Looking For Anything Specific?

Bata, matiyagang naghihintay na may bumili sa kanyang panindang kabute kahit tirik ang araw


Nakakalungkot isipin na ang mga batang katulad ni Jessie Almoza na may edad na 10 taong gulang na dapat ay naglalaro, nagpapahinga, nag- aaral sa bahay ay kinakailangang kumayod upang makatulong sa kaniyang pamilya.

Tila parang pinagkaitan nga naman ang mga ganitong bata ng kaligayahan at kinakailangang magseryoso sa laban ng buhay.

Isa sa mga sakripisyo sa araw- araw ni Jessie ay ang matiyagang nagtitiis sa ilalim ng matinding sikat ng araw upang makapag benta ng kabute o mushroom sa Ingles ngunit mas kilala ito sa kanila bilamg “bo-o” sa Cordillera

Madaming taglay na health benefits ang “bo-o ” kaya naman madami din ang namimili nito sa kanila.

Sa ilalim ng payak na silong, na naka pwesto sa kahabaan ng Sitio Camisong, Loacan, Itogon, Benguet, ay doon nananatili at nag hihintay si Jessie sa mga motoristang dadaan at saka sisigaw ng “bo-o” upang makabenta.

Ang maliit na kita sa pagbebenta ng kabute ay kaniyang inihuhulog sa maliit na plastic na bote upang makapag ipon sa sa kaniyang pagbabalik- aral.

Sa kasamaang palad, wala ding permanenteng trabaho ang kaniyang mga magulang. ang kaniyang ama ay nai-stroke habang ang kaniyang ina at mga kapatid naman ang siyang gumigising ng maaga upang umakyat sa bundok para sa kabute na ibebenta naman ni Jessie.

Mapait man ang dinaranas ng batang ito, dasal ng marami na sana ay pagpalain at gantimpalaan siya ng Maykapal upang tuluyang magbago na ang kaniyang buhay.

Kung sakali na makita nyo ang batang ito na nagtitinda, huwag kayo magdalawang isip bilihan siya dahil makabenta lamang siya ay malaking tulong na para sa kanilang pamilya at pag-aaral niya.

Nakakahanga ang ganitong bata!

Post a Comment

0 Comments