Mapalad ang mga taong marunong tumulong sa kapwa ng walang hinihintay na kahit na anong kapalit. Naaalala niyo pa ba ang nag viral na isang delivery rider na nag tatrabaho sa Pizza Hut?
Ayon sa nakaraang post, ang delivery rider na ito ay binibilan ng mga pagkain ang mga walang tirahan o nakatira lamang sa tabing daan gamit ang kaniyang nalilikom na tips sa tuwing siya ay nag dedeliver.
Ang kabutihang loob na ito ay umani ng napakaraming papuri at paghanga sa kaniyang ginawa. Siya ay si Raymond Papellero. Hindi siya mismo ang nag post ng kaniyang ginawa upang ipagmalaki sa madla na siya ay matulungin.
Ang bakery owner ang nakasaksi sa mga pangyayari at ipinost ito sa kaniyang social media. Napag-alaman ng bakery owner na ito na ang perang ipinambibili ng mga tinapay para sa mga nagugutom at walang tirahan ay ang kaniyang na-i-ipon galing sa mga tips ng customers.
Dahil dito, ginantimpalaan si Raymond ng halagang P 10,000 mula sa Pizza Hut. Hindi lamang iyon, maging hanggang Araneta Group of Companies ay nakarating ito kaya naman binigyan pa siya ulit ng P100,000 dahil sa kaniyang pagkukusang tumulong.
“Mr. Papellero’s generosity is very much in line with the Araneta Group’s commitment to give back to the community, and this cash award is a sincere appreciation of his benevolence,” explained Chacha Junio, chief operating officer of Philippine Pizza, Inc. as they rewarded the kindhearted Pizza Hut rider.
Malayo man ang narrating ng istoryang ito, ipagpapatuloy pa din ni Kuya Raymond ang pagtulong sa kapwa hanggang sa kaniyang makakaya.
“I hope what I’m doing will inspire other people to also share their blessings with the poor, especially during these difficult times. For as long as I’m able to, I will keep on doing this every day,” sabi niya.
0 Comments