Looking For Anything Specific?

Isang Milyonaryo, inubos ang buong kayamanan sa pagtulong sa mga taong nangangailangan


Sa kabila ng mga problema at pagsubok na kinakaharap ng mundo marami parin mga taong lubos na mabubuti ang kalooban na handang tumulong sa mga taong labis na nangangailangan at mga taong hikahos sa buhay.

Katulad na lang ni Ali Banat, noon pa man ay maingay na ang kanyang pangalan sa social media dahil sa kanyang ginagawa na pagtulong ng buong puso para sa mga taong mahihirap.

Para sa kaalaman ng lahat si Ali ay ipinanganak sa bansang Australia noong Pebrero 16, 1982 kung saan sa kanyang murang edad ay isa na agad itong nagmamay-ari ng isang Security at Electrical Company at bukod dito siya ay kilala rin sa Australian Business World.

Maayos ang buhay ni Ali, lumaki siyang maginhawa ang pamumuhay dahil na rin sa kanyang pamilya na kilala sa Australia na maraming mga negosyo at kumpanya sa iba’t-ibang bansa.

Kung titignan si Ali ay makikita naman sa kanyang kilos, pananamit m sasakyan at mga gamit na siya ay mayaman kung tutuusin si Ali ang taong wala ng hihilingin pang iba dahil halos lahat ng naisin niya ay makukuha niya.

Samantala, mayroon isang pangyayari na nagpabago sa buhay at pagkatao ni Ali ito ay nang siya ay sumailalim sa maraming pagsusuri at napag-alaman na siya ay may malubhang karamdaman at ito ay ang c@ncer na nasa stage 4 na.

Ayon sa doktor ni Aliy bilang na raw ang araw nito at anumang oras sa loob ng isang linggo ay maaari na itong mawalan ng buhay.

Maaari pa sanang magawan ng paraan ang karamdaman na pinagdadaanan ni Ali pwede siyang sumailalim sa mga pagsusuri na panlunas para humaba ang buhay dahil sa kanyang kayamanan ay kayang-kaya nila ito, subalit si Alis ang mismong ayaw na gumawa nito dahil ayon sa kanya mag-aaksaya lamang siya ng oras at panahon magtatapos din naman ang kanyang buhay.

At isang gabi habang siya ay nakahiga sa kaniyang kama sa mansyon nila, napag-isip niyang sa kanyang 30 taon sa mundo ay wala pa siyang nagagawang tatak sa buhay ng tao o yung kapaki-pakinabang.

Kaya naman agad nitong naisip habang siya raw ay may natitirang araw at malakas pa nais niyang tumulong sa mga nangangailangan. Ang halos lahat ng kanyang ari-arian ay binenta niya para lamang ibigay sa Charity at Muslim Organization.

Agad na nilibot ni Ali ang bansang Africa kung saan alam naman ng lahat na ito ay napakahirap na bansa, doon siya nakapagpatayo ng hospital, paaralan at mga bagay na mapapakinabangan sa pang araw-araw na buhay ng mga mamamayan sa nasabing lugar.

At hindi lang yan bukod sa Africa ay nilibot niya ang halos 100 bansa upang magbigay ng tulong.

Samantala, ayon kay Ali minsan raw ay pumasok sa kanyang isipan na ang pagkakaroon ng karamdaman ay isang regalo dahil dito natutunan niya ang tunay na laro ng buhay, Hindi lang daw sa pera o kayamanan umikot ang lahat. Ang tunay raw na yaman ay kasangkapan lamang upang makatulong sa ibang labis na nangangailangan nito.

Post a Comment

0 Comments