Ang lahat ng magulang ay gagawin ang lahat para sa kanilang mga anak mahirapan man sila ay ayos lang , Basta maging maayos ang mga anak nila. Kaya naman sobrang sakit talaga ang mawalan ng anak lalo na kung ito ay nasa murang edad pa.
Tulad nalang na isang ina na ito na si Jang Ji-Sung na nakatira sa South Korea. Taong 2016 ng mawala ang kanyang anak at bawian ito ng buhay na si Nayeon isang batang pitong taong gulang. Pumånåw si Nayeon dahil sa isang malubhang såkit at walang lünås ang naturang sakit nito.
Makalipas ang tatlong taon dahil sa teknolohiya na mabilis na pag-unlad ay maari nga bang magkita si Jang Ji-Sung at ang kanyang namayåpång anak, sa pamamagitan ng teknolohiya. Posible nga ba ito?
Ang sagot diyan ay, Oo, dahil totoo na muling nakapiling ni Jang Ji-Sung ang kanyang anak na si Nayeon sa pamamagitan ng VR or VIrtual Reality ay nakita niya at nakasalamuha muli ang anak na si Nayeon.
Sa isang video na mapapanood, makikita na nakasuot si Ji-Sung ng isang VR at sa harap naman ay makikita ang isang virtual na imahe ng kanyang anak na parang totoo. Hindi naman mapigilan na umiyak ni Ji-Sung habang kinakausap ang kanyang anak.
Sa tuwing maririnig mo kay Ji-Sung ang salitang “Miss na kita anak” ay talaga naman na mararamdaman mo ang sakit na kanyang nararamdaman at hirap na pinapasan nito dahil sa pagkamatay ni Nayeon. Gusto niyang mayakap ang kaniyang anak ngunit hanggang tingin lamang ang kaya ng Virtual na ito.
Ang pangyayaring ito ay ginawaan ng isang dokumentaryo sa bansang Korea at pinamagatang “I MET YOU” at isinapubliko ng Munhawa Broadcasting Corporation, ito din ay maaring mapanood sa Youtube.
Matapos ang madamdaming pagtatagpo ng mag-ina narito ang isang sinabi ni Ji-Sung.
“Maybe it`s a real paradise, I met Nayeon, who called me with a smile, for a very short time, but it`s a very happy time. I think I`ve had the dream I`ve always wanted.”
Marahil ang buhay natin ay talagang hiram lamang, Wala ang sinuman ang nakakaalam kung kailan ito babawiin sa atin at pagdumating ang panahon na iyon ay tayo ay walang magagawa kundi tanggapin. Si Nayeon ay nasa lugar kung saan ay hindi na siya kailanman masasaktan at kung saan wala ng kalungkutan.
0 Comments