Dahil sa kinahaharap natin na pandemiya ngayon, Marami sa ating kababayan ang nawalan ng mga trabaho. Labag man sa loob ng mga kompanya ang magbawas ng empleyado ngunit walang magawa ang ilang kompanya kundi gawin ito dahil narin sa kakulangan ng pondo dahil sa pagkalugi kinakailangan narin nilang gawin ito para kahit papaano ay hindi sila magsarado.
Kaya naman ang iba sa atin na nawalan ng trabaho ay napilitang maghanap nang pagkaka-kitaan o kaya naman ay dumiskarte para may makaraos. Hindi naman ito naging madali sa iba nating kababayan na humanap ng ibang pagkakakitaan ngunit mayroon din pa naman na sa kanilang pagtitiyaga ay nagtagumpay. Katulad na lamang ng Pinay na si Princess San Diego.
Ayon sa nalaman namin kay Princess halos lahat na daw ng negosyo ay napasok niya. Nakapagbenta na daw siya ng mga “gadgets” online, nagbantay na rin daw siya sa isang ihawan ng barbecue, at maging ang magbukas ng sariling kainan ay nagawa na rin niya ngunit ayon sa kanya lahat iyon ay hindi pinalad magtagumpay.
Taong 2016 ng ito ay kanyang maranasan lagi palpak ang kanyang ginagawang negosyo ngunit kahit siya ay pagod na pagod na ay nanatili parin siyang positbo sa buhay.
Noong mga panahon daw na iyon ay nakahiligan niyang gumawa ng mga masasarap na minatamisan o kung tawagin ay “desserts” at ito ay ibinabahagi niya online. Nakikita ito ng kanyang mga kaibigan kaya naman marami dito ang nagtatanong tungkol sa mga desserts na ginagawa niya kaya naman naisipan ni Princess na gawin itong negosyo.
Nagsimula daw siya sa halagang Php1,000 na puhunan kung saan nakagawa siya ng 25 na piraso na tin can matcha-flavored leche flan. Ang kada piraso daw ay binebenta niya ng Php150 at ito ay mabenta daw at agad naman na nauubos. Wala pa daw isang linggo ay naging triple na agad ang kayang puhunan.
Kwento pa ni Princess ay maraming tumatangkilik sa kaniyang produkto kaya naman awa daw ng Diyos ay kumukita na siya Php20,000 sa loob lamang ng isang linggo.
Dagdag pa niya ay para daw hindi magsawa ang kaniyang mga mamimili ay gumagawa siya ng ibang mga “Flavors” katulad daw ng mga coffee milk tea, Tiramisu , Peruvian flavored flan, Dalgona avocado gelato, Caramel. at ang isa pa daw na patok na patok sa kanyang mga mamimili ay ang isang tin can na ang laman ay ibat-ibang flavor.
Kaya naman kahanga-hanga naman talaga si Princess, sa kabila ng ilang beses na pagkabigo ay hindi siya sumuko at nanatiling positibo sa buhay. Sana ay tularan ito ng iba nating kababayan na nakakaranas din na mabigo lagi mo lang isipin na sa kabila ng kabiguan ay may tagumpay na kinabukasan.
0 Comments