Isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa isinasagawang kasal sa lugar ng Suzhou, China, matapos madiskubre ng Ina ng groom na ang pakakasalan nitong babae ay ang nawawala pala niyang anak.
Ayon sa mga lumabas na balita sa China, Nagsimula daw ang lahat ng makita ng nasabing Ina ng Groom ang ‘balat’ o birthmark sa kamay ng bride.
Sinabi ng Ina ng groom na ang balat sa kamay ng bride ay ang tanging palantandaan niya at kanyang alala matapos silang magkahiwalay ilang taon na ang nakalipas.
Para matapos daw ang pagdududa ng Ina ay naglakas loob itong tanungin ang mga magulang ng bride. “Did you, by any chance, adopt your daughter?”
Gulat na gulat ang mga magulang ng bride sa kanilang narinig sa Ina ng groom, dahil ayon sa kanila ay wala daw kahit sinong nakakaalam na hindi nila mismong anak ang bride.
Dito na ipinagtapat ng mga magulang ng bride na natagpuan daw nila ang babae sa kalsada mahigit 20 taon na ang nakakalipas, Kanila daw inampon at kinupkop ang babae at itinuring nila itong tunay na anak.
Nang sabihin na ang totoo ng adopted parents ng bride ang buong pangyayari, ang bride at ang biological mother ay biglang nagyakapan at nag-iyakan.
Ang pangyayaring naganap sa mismong kasal ay nasaksihan ng mga bisita, hindi rin napigilan ng mga ito na maiyak sa nangyari.
Samantala, may gustong malaman naman na kasagutan si bride yun ay kung kapatid ba niya ang lalaking kanyang papakasalan? Matutuloy nga ba ang kanilang kasal?
Labis naman ang tuwa at pasasalamat ng bride at groom dahil hindi pala sila tunay na magkapatid.
Ayon sa biological mother ng bride, kanya raw inampon ang lalaki matapos mawalan ng pag-asa na makita pa nito ang kanyang nawawalang anak.
Kaya sa madaling salita dahil hindi tunay na magkapatid ang bride at groom, Tuloy ang Kasal!
Ang lahat naman ng naroroon sa kasal ay hindi makapaniwala maging ang mga bisita, Ngunit kalaunan naman ay naging mas masaya ang kasal dahil hindi lang ang okasyong kasal ang kanilang pinagdiriwang kundi ang muling pagsasama at pagkikita ng Ina at ang tunay nitong anak.
Source: Philstarlife
0 Comments