Ang diskriminasyon ay hindi na bago para sa ating mga Pilipino. Sa katunayan maski sa buong mundo ay mayroon nito. Samantala, tunay ngang nakakadur0g ito ng pus0 dahil ang mga taong ating iniiwasan at pinandidirihan ay mayroon din namang pakiramdam.
Karamihan din sa atin ay mapanghusga base lamang sa kasuotan, pisikal na anyo, estad0 ng buhay o anuman kapintasan na makikita sa isang tao.
Gaya na lamang ang nangyari sa isang pamilya na sumakay ng jeep kung saan nakaranas ng pambabatikos.
Kilala ang mga Badjao na madalas nagpapalaboy- laboy sa daan ngunit may ilan din na hindi naman ganito ang pamamaraan at pinagkakabuhayan.
Kagaya na lamang ng isang engkwentrong nangyari sa pampasaherong jeep na kung saan sapilitang pinababa ang mga Badjao kahit pa ang mga ito ay may pambayad naman.
“Magbabayad naman kami! Tao din naman kami.” Sambit ng ginang na Badjao”.
Ayon sa kanila, hindi naman daw sila sumakay upang makalibre. Sa katunayan handa silang magbayad ng 60 pesos para sa pamasahe nilang tatlo.
Agad na nagviral sa social media ang naturang video na kung saan dumurog sa puso ng mga netizens. Tunay ngang ang diskriminasyon ay nakakasakit ng damdamin at nakakaapak ng pagkatao.
Mali na nagiging mapanghusga tayo sa ating kapwa tao. Maaaring nabibilang sila sa iisang sambayanan, grupo o iisa ng ginagalawan ngunit sila ay may puso’t isipan kagaya ng iba. Maaaring nanlilimos nga ang iba nilang kauri ngunit hindi nangangahulugang lahat sila ay nanlilimos lang din.
Maging sensitibo tayo sa nararamdaman ng ibang tao dahil kung ilalagay natin an gating sarili sa kanilang sitwasyon, masakit din para sa atin na matain tayo ng ating kapwa Pilipino.
0 Comments