Marami sa atin ang bumibili ng mga sasakyan na segunda mano o kung tawagin natin ay “second hand” dahil tunay naman na malaki ang matitipid mo kumpara kung bibili ka ng bago.
Pero kung minsan ang pagbili ng second hand na sasakyan ay may dulot ng sakit ng ulo lalo na kapag ito ay mayroong nakatagong diperensya at hindi sinasabi sayo ng iyong pinagbilihan at hindi mo rin nakita bago mo ito binili.
Kaya naman imbis na makamura tayo ay lalo tayong napapamahal dahil sa mga dapat papalang ipagawa. Pero kung minsan naman ay mayroon talagang sinuswerte sa pagbili ng mga segunda manong sasakyan. Katulad ng isang lalaki na ito na sa kanyang pagbili ng segunda manong sasakyan ay naka Jackpot sa kanyang natuklasan.
Sino nga ba ang mag-aakala na sa kanyang nabiling segunda manong sasakyan ay may nakatagong limpak-limpak na pera. Kanya itong napansin ng kanyang busisiin kung ano ang diperensya ng power-window ng kanyang nabiling sasakyan.
Nung una raw niyang nakita na parang may diperensya ang power window ay plano na sana niyang ipatingin ito sa mekaniko ngunit sinubukan na muna niya itong suriin at tignan. Siya ay nagbabakasakali na kanyang maayos ito at kanyang inunang baklasin ang mga cover ng pinto sa loob.
Pagkatapos niyang mabaklas ang door cover sinunod niya ang plastic cover . At ng kanyang ianggat ang cover plastic ng pintuan ay umagaw sa kanyang atensyon ang isang nakasingit na isang bag. Naisip niyang ito ang dahilan kung bakit ayaw gumana ng power window.
At nang kanyang tanggalin ang bag na naka-siksik sa pintuan ng sasakyan ay kanya itong binuksan at napansin niya ang parang mga kwadradong bato na naka duct tape. Sinubukan nitong alisan ang tape na nakapalibot dito at laking gulat niya na ang laman palanay mga bungkos bungkos na pera!
Hindi naman mismo binanggit ang kabuuang halaga ng pera na nakalagay sa nasabing bag. Dahil ayon sa kanyang pagkaka-alam ang nabili niyang sasakyan ay galing pala sa police-confiscated vehicle kaya minabuti niyang wag nalang magpakilala nang ibahagi niya ang istroya na ito.
Talagang hindi natin masasabi kung kailan darating ang swerte sa atin. Tulad na lamang ng lalaking ito nung una ay akala niya puro problema ang dulot ng binili niyang sasakyan, yun pala ay may kayamanang itinatago .
0 Comments