Looking For Anything Specific?

Lalaki na nakagawa ng kanyang sariling Lamborghini sa kanilang basement sa loob ng 17 taon, Usap-usapan!


Marami sa atin ang nangangarap na magkaroon ng sasakyan, Sino nga ba ang may ayaw? Syempre kung bibigyan tayo ng pagkakataon na magkaroon ng sasakyan ay gugustuhin natin upang mapabilis ang ating paglalakbay araw-araw.

Subalit marami sa atin ay mananatili na lamang itong isang pangarap lalo na sa mga tao na sapat lamang ang kinikita para sa mga pangungunahing pangangailangan.

Dahil alam naman natin na masyadong mahal o magastos ang magkaroon ng sariling sasakyan. Imbes na sasakyan ang bilihin ay mas tamang unahin na lang ay ang mga importanteng pangangailangan.

Samantala, may isang lalaki na talagang kahanga-hanga ang kakayahan at talento dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng sasakyan ngunit wala siyang budget kaya gumawa siya ng sarili niyang sasakyan. At hindi lang basta ordinaryong sasakyan kundi isang replika ng luxury car na Lamborghini.

Ang lalaki ay nakilalang si Ken Imhoff. Labing pitong taon (17) daw ang nakakaraan matapos mapanood ni Ken ang movie na The Cannonball Run dito daw siya na-inspire na gumawa ng kanyang sariling Lamborghini Countach.

Makikita naman sa kanyang lumang litrato na kinuhanan noong taong 1958 na mahilig talaga sa mga sasakyan si Ken. Makikita kasi dito na nakasakay si Ken sa isang sport car chasis na ginawa daw ng kanyang tatay. At doon daw nagsimula ang kanyang pagkahilig sa mga sasakyan.

Sampung taon daw ang makalipas habang papasok daw si Ken sa kanyang trabaho ay nakita niya ang isang Lamborghini na napakaganda raw di umano. Kaya naman dito na niya sinimulan gawin ang kanyang sariling kotse sa loob mismong kanilang basement at umabot daw ito ng 17 years bago niya tuluyang makumpleto matapos.

Ayon pa sa aming napag-alaman, Si Ken daw ay madalas na lamang nasa kanilang basement upang magdesign, mag-welding, mag-pintura at mag-ayos ng mga makina.

Ayon din sa kanya ang pagbuo daw ng ganitong uri ng sasakyan na Italian Sports car ay isang malaking trial and error daw ngunit kahit ilang beses pa daw siya nabigo at nagkamali ay hindi siya sumuko at nag-pursige siya na mabuo ito.

Dagdag pa ni Ken, Kailangan daw niya makuha ang bawat detalye ng pinapangarap niyang kotse para ito ay maging perpekto. Nung una daw ay ang kanyang estimated time para ito ay matapos ay 5 years lamang pwro sa aktual ay umabot siya ng halos 17 years.

Samantala, Nang ito ay matapos ay tamang-tama lang at sakto dahil siya ay mag 50th birthday.

Labis naman ang pagkamangha at gulat ng kanyang mga kaibigan, dahil pagkatapos ng 17 years ay ni-reveal na ni Ken sa publiko ang kanyang master piece na sasakyan ng ilabas niya ito sa kanilang basement.

Patunay lang ang ginawa na ito ni Ken na walang imposibleng magawa kung ikaw ay nagsusumikap at nagpupursige na gawin ang iyong gusto.

Post a Comment

0 Comments