Looking For Anything Specific?

Mag-asawa na nagsimula sa puhunang 2,000 pesos, napalago hanggang sa umabot ng 2 Milyong Piso


Pagdating sa pagnenegosyo dapat ay may dedikasyon ka maging masipag at matiyaga. Kahit pa anong problema at pagsubok ang dumating ay dapat hinding-hindi ka susuko at ikaw ay magpatuloy parin.

Ang lahat ng bagay ay mayroon pagsubok bago mo makuha ang matamis na tagumpay. Pagdating rin sa negosyo ang karamihan na umaasenso ay nagsisimula rin sa maliit na halaga at ito ay magiging malaki lamang kung ikaw ay magsusumikap .

Katulad sa nangyari sa Mag-asawang tampok sa ating kwento. Ibinahagi nila ang kanilang pag-asenso na nagsimula lamang sa napakaliit na halaga.

Ayon sa mag-asawa nagsimula ang kanilang negosyo sa kapital na Php2,000 lamang, ang naturang pera ay hiniram lamang mula sa ama ng asawang babae. Nagsimula lamang ang mag-asawa sa pagbebenta ng ibat-ibang mga gamit at ready to wear na mga garments.

Noong sila daw daw ay nagsisimula ng magbenta naglalako daw sila kahit saan gamit ang kanilang motorsiklo. Umulan man o Umaraw ay naglalako parin sila ng kanilang mga paninda.

Dahil sa kanilang determinasyon nagbunga ang lahat ng ito nabuo ang kanilang mga pangarap, Nagkaroon sila ng sariling kotse na nakakatulong upang mas maayos ang paglalagyan ng kanilang mga paninda kapag sila ay bibili ng kanilang mga produkto.

Ngunit ang kanilang sobrang pagiging abala at tutok sa kanilang negosyo ay may naidulot din na masamang pangyayari, dahil nawala ang kanilang anak at simula ng pangyayaring iyon ay binago na nila ang kanilang negosyo taong 2018 mula sa kanilang negosyong ready to wear na garments na nilalako ay nagbenta na lamang sila ng mga cellphone.

Dahil naging mabenta ang kanilang negosyong cellphone, nakaipon ang mag-asawa ng sapat na halaga upang magkaroon ng sariling puwesto. Sa paglipas ng taon ang kanilang negosyo ay unti-unting lumalago dahil nakakarami sila ng mga naibebentang cellphone.

Samantala, Kahit pa maayos na ang kanilang buhay ay nais parin ng mag-asawa na magkaroon ng anak kaya naman ito ay kanilang pinagplanuhan, Napagdesisyunan ng dalawa na hindi muna mag trabaho ang asawang babae upang sagayon ay matutukan ang kalusugan nito at mabiyayaan muli ng anak.

Ayon pa sa mag-asawa, Kahit pa raw nagkaroon ng pandemiya ay patuloy naman ang kanilang negosyo sa katuyan nga daw ay mas lalong lumago ito dahil mas dumami ang gumagamit ng cellphone dahil sa mga online classes ngayon. Mas lalong naging in-demand ang mga smartphone at tablet sa mga kabataan ngayon dahil sa distancing learning education.

Suma-tutal ang mag-asawa ngayon ay nakakabenta ng daan-daang cellphone kada araw. Kaya mula sa kanilang kapital na Php2,000 noong sila ay nagsimula ay naging milyones na ngayon.

Dahil dito nakabili na ang mag-asawa ng bagong sasakyan at maging ang kanilang mga pami-pamilya ay nabahagian narin nila. Ang ama ng babae na hiniraman nila ng Php2,000 pesos na kapital ay binigyan nila ng Php700,000 bilang kapalit.

Dagdag pa ng mag-asawa nakabili na rin sila ng kanilang mga lupain, Sa kabila ng pandemiya ngayon na ating kinakaharap may mga tao man na nawalan ng trabaho ay marami parin ang ating kababayan na nagsusumikap at hindi sumusuko upang sila ay magtagumpay sa buhay.

Maging inspirasyon sana ang mag-asawang ito para sa lahat na nangangarap din katulad nila na umunlad sa buhay. Maging matiyaga at magsikap lamang sa buhay, balang araw lahat ng ating paghihirap ay masusuklian ng ating mga pangarap.

Post a Comment

0 Comments