Ang paghanga ay hindi maiiwasan ngunit sa panahon ngayon, madami nang iba’t ibang larawan ang naduduga gawa ng mga naluluntad na mga iba’t ibang uri ng Apps.
Nauuso din ang pagkakaron ng relasyon sa online kung saan magiging karelasyon nila ang makikilala lamang sa online dahil sa panahon ngayon ay mas marami ang naaakit sa kakilala lang at nakakausap sa online.
Gayunpaman, ang social media ang nagiging tulay upang magkaroon ng koneksyon sa mga taong malalayo sa atin ngunit may dulot din itong hindi maganda sa ibang kabataan.
Isang kwento ng humahangang dalaga mula sa bansang Indonesia ang nabigong makita ang kaniyang crush na lalaking mula sa Jakarta na nakilala niya lamang sa isang online game.
Sa kagustuhang makita ang lalaki, lakas loob niyang ibinenta ang motorsiklo ng kaniyang ama upang makabili ng tikect papunta dito.
Labis na nagulat ang buong pamilya ng babae dahil sa ginawa nito. Nakita ng ilang sales personnel ang dalagang walang hinto sa pag- iyak sa airport. Nang siyaý tanungin, sinabi niyang ang kaniyang crush na kaniyang kinahintay- hintay ay hindi siya sinipot.
Tila ba gumuho ang mundo ng dalaga dahil sa pagkabigong makita ang kaniyang crush. Sinundo siya ng kaniyang pamilya at isinamang umuwi.
Ang lahat ng kaniyang ginawa ay napunta lamang sa wala. Naibenta niya ang motorsiklo ng kaniyang ama, nagastos na ang pera, ngunit ang crush niya ay hindi nagpakita.
Siguro ngaý itinadhana itong magyari lalo pa’t hindi naman niya itong lubos na kilala dahil sa social media niya lamang ito nakasalamuha.
Hindi masama ang paghanga ngunit ang lahat ng sobra ay maaari kang dalhin sa kapahamakan o hindi kayaý matinding pagkadismaya at pagkapahiya.
0 Comments