Marami ang naaliw sa job post ng isang ama sa social media nang magpost ito ng “wanted: ilaw ng tahanan”. Hindi naman na dapat mag-aalala ang mga interesadong aplikante dahil may naipundar na na bahay, lupa ang magiging amo. Yun nga lamang, may rules kaya ito tulad ng ‘bawal ma-inlove’?
Don Dizon ang pangalan ng lalaki na nagpost sa social media at nai-‘flex’ pa ang mga ari-arian nito at tagumpay na nakapagpundar ng bahay at lupa. ‘Ilaw ng tahanan’ ang hinahanap nito o sa ibang salita ay babaeng tatayong ina sa kanyang mga anak. Panimula nito sa kanyang post, “Finally, we’re moving in! Thankful and grateful for this little space to call ‘our very own’. Yahoo sa wakas! Tagal kong hinintay ‘to! Hindi man kalakihan katulad ng iba pero sabi nga nila lahat naman nag-uumpisa sa maliit.”
Dagdag pa ni Don Dizon, “Pangarap para sa aking mga anak na magkaroon kami ng sariling bahay. At sila ang aking mga munting inspirasyon para mabuo ang bahay na ito. All praises to God because he is the greatest!”
Ipinakita rin nito sa post ang mga pictures ng kanyang bahay, na talaga namang nakakabilib ang ganda. Ngunit sa bandang huli ng post nito ay isiningit nito ang, ““Wanted: Ilaw ng tahanan, para lumiwanag na ang aking buhay at ang aming bahay. Budget monthly 15,000 pesos starting. Benefits-SSS, Philhealth at life insurance. May extra 5,000 pesos GCash pang-online shoppinh kapag laging malinis ang bahay. Kaya huwag puro heart, wave-wave din mga mars! Char lang mars, apply na!”
Agaw pansin din naman ang good-looks nito na talaga namang hindi aayawan. May mga netizens na naaliw sa post nito at pabirong nagcomment ng, “Hanap ka ng ilaw ng tahanan, Don. Marami namang emergency o solar light diyan hahaha literal pala eh no. baka maraming mag-aplay niyan, pila…”
The post Single dad, looking for wife? Silipin ang job post ng ama na mag-isang tinataguyod ang kanyang tatlong anak appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments