Naging usap-usapan nito lamang ang anunsyo ng GMA-7 sa kanilang social media accounts tungkol sa pag-alis ni Willie Revillame sa Kapuso Network na naging tahanan niya sa loob ng halos pitong taon.
Ayon sa anunsyo ng network, hanggang Biyernes na lamang mapapanood ang palabas ni Willie na ‘Wowowin’ sa GMA-7 dahil ang kontrata ng TV host sa nasabing network ay hanggang Pebrero 15 na lamang.
Saad sa official statement na inilabas ng GMA-7,
“Willie Revillame’s contract with GMA Network. Is set to end on the 15th of this month. His show Wowowin will air until Friday, February 11.
“We wish him good luck in his future endeavors.”
Matapos ang anunsyo na ito ay naging usap-usapan naman sa social media kung saan network lilipat si Kuya Wil upang ipagpatuloy ang kaniyang show na malaki ang naitutulong sa mga manonood ito, lalo na sa ating mga kapwa na nangangailangan ng lubos.
Ayon sa ilang ulat, napag-alaman na maaaring lumipat umano ang beteranong TV host sa channel na pagmamay-ari ni Manny Villar kung saan ang frequency ay mula sa ABS-CBN Network. Ito nga ay ang Advanced Media Broadcasting System.
Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na si Kuya Wil ay isa sa mga matalik na kaibigan ni Manny Villar at kasosyo din niya ang TV host sa ilan niyang negosyo kagaya ng WilTower.
Taong 2015 nang lumipat si Willie sa GMA Network.
Sa ngayon ay nananatili pa ding tahimik ang kampo ni Willie tungkol sa pahayag na inilabas ng Kapuso network at maging sa mga spekulasyon na kumakalat na siya ay lilipat sa media company ni Villar.
Samantala, narito naman ang ilang komento mula sa mga netizens:
“How sad, the show is doing good pa naman. The rumors are true that he will be seen as the flagbearer of Villar owned network.”
“Aww mukhang lilipat sa network ni villar hahaha”
“Siya ang pinaka head ng channel 2 ni villar..”
“Goodluck kuya will we will support you kht saan ka mgpnt”
The post Willie Revillame, Lilisanin Na Nga Ba Ang GMA Network? Wowowin Eere Na Lamang Hanggang Biyernes appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments