Looking For Anything Specific?

Kung Nakakita ka ng ‘Square Waves’ sa Dagat, Lumayo ka Agad Dahil Ganito Pala ito Kadelikado!

Punong-puno ng misteryo ang ating karagatan. Ngunit bukod sa yamang-dagat, may dala ring panganib ito. Sa katunayan, libo-libong tao kada taon ang binabawian ng buhay dahil sa pagkalunod o aksidente sa dagat. Kaya naman nararapat lang na maging mapagmatyag at maingat tayo tuwing nasa karagatan.

Dapat ay lagi tayong alerto pagdating sa mga panganib na maaaring mangyari sa laot. Isa sa mga dapat bantayan ay ang tinatawag ng mga eksperto na ‘square waves.’

Kung first time mo lang makakita nito, paniguradong mamamangha ka dahil hindi madalas mangyari ang phenomenon na ito. Ngunit may kaakibat rin itong panganib.

Ang square waves ay mga alon na hugis parisukat, na tinatawag ring ‘cross seas.’ Nabubuo ang mga ito kapag nagsasalpukan ang mga alon sa dagat.

Dahil dito, nagkakaroon rin ng matataas at malalakas na alon, at kadalasan ay maaari ring umabot ang malalaking alon na ito sa dalampasigan.

Ayon pa sa mga eksperto, ang mga square waves ay maaari ring maging senyales ng nagbabadyang bagyo. Kapag may mga square waves, maaaring may namumuong malakas na bagyo sa karagatan.

Kaya naman kapag may namataan kayong square waves, mas makabubuting lumayo kayo sa dagat para na rin sa inyong kaligtasan.

Kapag natangay ka ng square waves, malabo nang makatakas ka mula dito dahil sa napakalakas na current nito sa ilalim. Dahil dito, maaari kang anurin sa gitna, na maaaring magdulot ng iyong pagkalunod.

Delikado ito sa mga tao, lalo pa’t kung hindi ka eksperto sa paglangoy. At kung malalaki ang mga square waves, maaari rin nitong mapataob ang bangka at malagay sa peligro ang mga naglalayag na barko. Kahit pa ang barko ay gawa sa bakal, kayang-kaya itong mapinsala ng mga square waves.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post Kung Nakakita ka ng ‘Square Waves’ sa Dagat, Lumayo ka Agad Dahil Ganito Pala ito Kadelikado! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments