Kakaiba ang isang lahi na ito ng kabayo na sinasabing may higit 3000 taong gulang na ang mga ito. Kung titignan ay tila ba ang katawan nito ay hinabi sa seda at perlas.
Ang ganitong lahi daw ng mga kabayo ay mula sa Turkmenistan, kung saan ito ay itinuturing na isang pambansang simbolo. Tinatawag din siyang “Golden Horse” dahil sa kakaibang hitsura nito.
Sinasabi ng mga eksperto na ang ganitong uri ng kabayo ay kakaunti lamang, bukod sa rare ang ganitong lahi ay kakaunti nalamang dahil ang mga ito ay paubos na rin daw.
Kaya naman hangga’t maaari lamang daw ay patuloy nila itong binabantayan at inaalagaan ang mga lahi nito at sinusubukan nilang paramihin muli.
Makikita sa mga ito ang kanilang kulay na kakaiba kumpara sa mga pangkaraniwang kabayo na ating nakikita sa panahon ngayon. Sa balahibo pa lamang nito ay kakaiba na dahil nangingintab at tila ba kumikinang ang mga ito.
Kaya naman hindi nakapagtataka na bansagan nila ito na “The Golden Horse” hindi lamang sa kulay nito kundi maging sa kanilang lahi na halos 3000 years ng nabubuhay sa mundong ito.
Samantala, patuloy ang mga eksperto sa pananaliksik upang masubukan na maparami ang kanilang lahi at maisalba ang mga ito sa tuluyang pagkaubos.
Totoo nga kaya na ganito itinagal ang buhay nya? Kung gaano nga katagal ang kanyang buhay ay talaga naman nakakamangha at napapanatili pa din ang ganda nito na makikita na kahit anong henerasyon ay inaalagaan siya.
Ikaw ano ang masasabi mo patungkol dito? Pero kung ano man yan ay dapat din natin respetuhin at alagaan ang bawat hayuop dahil nilikha din silang may buhay.
0 Comments