Looking For Anything Specific?

Lalaki, nagdesisyong gumawa ng replika ng Noah’s Arc matapos mapanaginipan ang paggagawa nito


Isa sa pinakasikat na kwentong Biblikal ay ang Arko ni Noah na kung saan siya ay inutusan ng Diyos na mag gawa ng isang napakalaking arko na kakasya ang lahat ng tao maging ang mga hayop sapagkat darating ang malaking baha na lalamon sa buong syudad.

Iginugol ni Noah ang kaniyang buhay sa pagbubuo at pag gagawa ng arkong ito. Pinagkamalang baliw dahil napaka imposible daw na mangyari ang kaniyang sinasabi.

Dumating ang takdang panahon nang pilit nang pinapasakay ni Noah ang mga tao maging ang mga hayop sa loob ng barko ngunit hindi lahat ay naniwala sa kaniya. Nagmistulang dagat ang syudad at ang lahat ng hindi nakasakay ay nalun0d.

Ang napaka gandang kwento na ito ay ang naging inspirasyon ni Johan Huibers upang lumikha ng replica nito.

Ayon sa kaniya, napanaginipan niya daw ang pag gagawa nito kaya naman simula noon ay nag desisyon siyang buoin ang replica ng Noah’s Arc. Umubos siya ng $1.6 million o mahigit 80 milyon pesos upang ito ay magawa.

Ito ay binubuo ng limang palapag na may taas na 75 feet. Kumpleto din ang mga silid nito kagaya ng Media Room na dooý ikukwento ang Noah’s Arc.

Mayroon ding restaurant na puwedeng makainan at bilang replica nga ito, pinaukitan ni Johan ang mga dingding ng mga hayop gaya ng elepante at alligators.

Tunay ngang iba talaga kapag ang Diyos ang tumawag sa atin. Matuto tayong making sa kung ano mang nais niyang sabihin at iutos natin dahil doon masusukat ang ating pananampalataya at paniniwala sa kaniya.

Post a Comment

0 Comments