Looking For Anything Specific?

Narito ang paraan kung paano gamitin ang baking soda para pumuti ang ngipin


Marahil madalas lamang natin maririnig na ginagamit ang baking soda sa pagbe-bake ng mga tinapay, subalit bukod doon lingid sa kaalaman ng marami na maraming gamit ang baking soda isa na diyan ang pampaputi ng Kili-Kili ngunit ang pag-uusapan natin ngayon ay ang paggamit ng baking soda para pumuti ang ating mga ngipin.

Ang baking soda ay isa rin alternatibo na gamitin para sa ating mga ngipin, sa katunayan nga ay maraming mga brand ng toothpaste na hinahaluan ng baking soda. Mabisa kasi itong pantanggal ng mga stain na dulot ng paninigarilyo o kaya naman ay ang pag-inom natin ng kape.

Kaya naman kung gusto mong pumuti ang iyong ngipin ay wag kang mag-alala dahil ituturo namin saiyo ngayon kung paano pumuti ang ngipin gamit ang baking soda.

Narito ang mga sumusunod na paraan sa paggamit ng baking soda sa ating mga Ngipin.

1. Una ay ihanda ang mga kagamitan at sangkap na sumusunod:
* 1 kutsarang baking soda
* Kaunting tubig
* Kaunting toothpaste
* Platito
* Kutsarita
* Asin (optional)
* Toothbrush

2. Pangalawa paghaluin ang mga sangkap
* Ilagay sa platito ang baking soda
* Lagyan ito ng kaunting tubig (3-4 drops only)
* Lagyan ng toothpaste . Normal na dami ng toothpaste na iyong ginagamit
* Paghaluin ang mga sangkap sa pamamagitan ng kutsarita hanggang sa makagawa ng panibagong paste.
* Lagyan ng kaunting asin ang mixture at haluin muli. (Optional)

3. Ikatlo Magsipilyo gamit ang ginawang paste na may baking soda.

*Ilagay mo ang ginawang mixture sa iyong toothbrush at isipilyo sa iyong ngipin. Siguraduhin mkng magmum0g ka ng mabuti. Huwag rin masyadong patagalin ang pagsisilpilyo na mayroong baking soda dahil nagiging sensitive ang mga ngipin pag tumatagal.

4. Gawin ito isang beses hanggang dalawa kada linggo. Maging matiyaga lamang at makikita mo ang resulta.

Samantala, paalala sa paggamit ng baking soda. Ang paggamit ng baking soda sa iyong ngipin ay mabuti at ito ay ligtas, nakakatulong din ito para maiwasan ang pagkakaroon ng mga singaw, siguraduhin lamang lahi na magmumog ng maayos para hindi malunok ang baking soda

May naiiwan rin ‘after taste’ ang paggamit ng baking soda, para naman mawala ito subukan mong magmumog ng tinunaw na toothpaste para iyon ang iyong malasahan.

At iyan ang pamamaraan para gamitin ang baking soda sa pagpapa-puti ng ating mga ngipin.

Source: PaanoHow

Post a Comment

0 Comments