Hindi na lingid sa kaalaman ng lahat na ang mga perlas ay mayroong katumbas na halaga. Karamihan ay matatagpuan sa loob ng talaga at mga clams.
Pearl of Orient ang tawag sa Pilipinas na hinango sa salitang Espanyol na Perla De Oriente o Perla Del Mar De Oriente. Taong 1751 nang nagmula ang ideya ito sa isang Spanish nang Jesuit Missionary na si Fr. Juan J. Delgado
Ibinigay ang pangalang “Pearl of Lao Tzu” o “The Pearl of Allah” ni Fr. Delgado nang matagpuan sa Pilipinas ang pinakamalaking perlas na nasusulat sa kasaysayan ng buong mundo. Kasalukuyan pa ding nasa kamay ng Palawan sa Pilipinas ang Pearl of Lao Tzu.
Nito lamang nang ibalik ng isang mangingisda ang isang perlas na may timbang na 75 pounds na higit na malaki kaysa sa unang naitala na natagpuan din sa Palawan.
Sampung taon na ang nakakalipas nan gang hindi kilalang mangingisda ang nakatagpo ng hignteng perlas sa baybayin ng Palawan Island. Saying nga lang at wala siyang kahit anong ideya patungkol sa kapalit na halaga ng kaniyang nakita.
Imbis na ibenta ay ginawa niya na lamang itong palamuti at lucky charm sa kaniyang kahoy na bahay. ngunit tinupok lamang ito ng sunog na nagtulak sa kaniya upang lumipat ng tahanan.
Ang naisalbang higanteng perlas ay ipinagkatiwala na lang niya sa kaniyang tiyahin na isang opisyal na turismo kaya agad naman nilang natuklasan na ang perlas na ito ay galing sa isang higanteng clam.
Ayon pa sa kaniya, labis na pagkamangha ang kaniyang naramdaman nang unang makita ang perlas na dinala ng kaniyang pamangking mangingisda. Sa tulong ng mga Gemologist, napatunayan na tunay nga ang perlas. Ang nakakalulang kapalit na halaga ay tinatayang $100 o 5 Bilyong Piso.
Ito ay unang ipinakita sa isang tourist attraction sa Puerto Princesa sa Palawan City Hall. Ngunit sa kasalukuyan, ito ay nasa hindi pinangalanang kilalang museo sa New York.
0 Comments