Looking For Anything Specific?

Dahil sobrang gutom, binatilyo nagawang magnªkaw ng dalawang manok at iba pang makakain


Marami sa atin ang nakakaranas ng hirap ng buhay, yung tipong isang kahig isang tuka o kung minsan pa nga ay maghapon tubig lamang ang pangtawid gutom sa maghapon.

Kaya kung minsan marami tayong nababalitaan na mga nakakagawa ng masama tulad ng pagnanakªw dahil sa labis na kahirapan.

Katulad na lamang ng isang pangyayari sa may bayan ng Tapaz, Capiz. Isang Binatilyo kasi ang dinakip ng mga pulis, matapos umano itong isumbong sa mga awtoridad dahil sa ginawa nitong pagnanakªw ng mga pagkain at ibang mga gamit.

Nakilala ang may-ari ng bahay na pinagnakªwan na si Manuel Gabucay 69 taong gulang mula sa Barangay Lagdungan.

Ayon sa ulat ng pulisya sa pangunguna ni Police Captain Bryant Fallera, hepe ng Tapaz Municipal Police Station.

Nakita umano ang naturang pagpasok ng suspék sa bahay ni Manuel. Pagkatapos daw pasukin ang naturang bahay ay makikitang may bitbit na ang suspék na isang sako. Ang naturang sako ay naglalaman ng apat (4) na manok at bukod sa manok ay mayroon din itong mga prutas at chicken nuggets.

Kinumpirma naman ng biktima na sa kanya nga ang naturang mga manok at prutas. Dagdag pa ni Manuel itutuloy niya ang pagsampa ng kaso sa binatilyo. Bukod sa mga pagkain na nakuha sa suspék nakita rin sa bahay nito ang ilang gadgets tulad ng tablet at cellphone na pinaniniwalaan ng mga pulisya na galing rin sa nakªw.

Ayon naman sa Barangay Hall ng naturang lugar mayroon din record ang suspék sa kasong pagnanakªw.

Ang isa nga daw sa ninakªwan ng suspék ay isang retired police na kinilalang si Romy Danid residente rin ng kaparehong bayan ng suspék.

Ang naturang pangyayari naman ay umani ng ibat-ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Dapat imbestigahan mabuti yang batang yan, baka may kasabwat yan na matanda at nakataas lang. Baka ginagawang utusan lang yang bata na magnakªw. Mukha naman siyang inosente”

“There must be a reason why.. he comitted that theft. Siguro sa sobrang gutom at kahirapan pero law is a law. Nakakaawa lang ang maliliit na nagkakasala sa batas kasi sila ang mas nadidiin sa kaso while rich criminals and suspécts are free and yet no appropriate actions are taken.”

Post a Comment

0 Comments