Noong 2000’s may isang modelong sikat na sikat na isang Puerto Rican siya ay si Suzanne Perez, siya ay kilalang kilala pagdating sa pag-mo-modelo dahil palagi siyang lumalabas sa mga men’s magazine at sumasayaw sa mga music video para sa mga bituin tulad nina Jennifer Lopez, Daddy Yankee at Puff Daddy.
Subalit isang araw si Suzzy ay tumanggap ng isang trabaho na sa kalaunan ay nagtanggal ng ningning sa kanyang karera at maging kumuha sa kanyang marangyang pamumuhay.
Pumirma siya ng kontrata sa isang Italian modeling agency na isa palang scam o mga manloloko. Nahulog siya sa isang network ng pr0stitusyon, dr0ga, alak at ipinagbili bilang isang sékswal na alipin.
At makalipas ang ilang taon na walang balita kay Suzy, nitong Agosto 2 ay may lumabas na balita tungkol sa kanya. Natagpuan siya ng isang reporter ng Univision na gumagala sa kalye ng Manhattan sa New York na naghahanap ng mga scrap na pagkain sa basura.
Halos hindi na makilala ang modelo at nang tanungin ito kung ano ang nangyari sa kanyang karera bilang isang dancer at modelo ay narito ang kanyang naging sagot :
“Pinal0 nila ako sa buong katawan, Mahigit 5 beses nila akong binugb0g hanggang halos mamªtay ako at ginªhªsa nila ako”.
Mapapansin din kay Suzy na may mga salita siyang hindi niya mabigkas ng maayos ang masakit pa ay nawala sa kanya ina at nalulong pa siya sa ipinagbabawal na gam0t.
Samantala, nakipag ugnayan naman ang Univision team sa anak ni Suzzy na si Savion Perez 19 na taong gulang, nakatira siya sa bahay ng isang kaibigan sa California.
“I love you, you are the best thing that happened to me. Every day without you is a smile that i cannot have” ayon kay Suzy nang makaharap ang anak na dala ng journalistic team.
Nagyakap ang mag-ina at naluha ito parehas, At dinala naman si Suzy sa isang rehabilitation center sakay ng Van kasama ang anak nito subalit pagdating ng mga ito sa naturang center ay ayaw pumasok ni Suzy.
Ayon sa kanyang anak na si Savion ay maraming beses niya na raw ito sinubukan tulungan , Binigyan niya ito ng pera ngunit masakit malaman na ginagastos daw ito ni Suzy sa dr0ga.
Gumawa raw siya ng kampanya sa Go Found Me para makalikom ng pondo na nagbibigay daan sa kanya upang mabayaran ang mga gastusin ng sa pag rehabilitation center sa mga adik sa dr0ga.
Samantala, ang kwento na ito ni Suzy ay nagviral at umabot sa buong mundo. Nawa’y maraming tumulong sa naturang foundation para matulungan ang maraming tao na katulad ni Suzy ay napunta sa maling landas.
0 Comments