Marahil ngayong buwan ay puro pulitika ang laman ng mga balita maging ang telebisyon at social media ay ito ang pinag-uusapan ng marami dahil kailan lang ay ginanap dito sa ating bansa ang pambansang eleksyon.
Marami na ang pulitiko na nahalal bilang mga nanalo sa dumaang eleksyon, isa nga diyan ang market vendor na si Rodrigo Rivera mula sa Dolores, Eastern Samar siya ay nanalo bilang Mayor sa naturang Bayan at tinalo ang katunggali na isang Doktor na si Dr. Zaldy Carpeso.
Si Rivera ay dating punong barangay bago siya nagtinda ng mga gulay sa palengke ng Dolores.
Sa kanyang pag-ikot sa mahigit 40 na barangay ay kasama niya na sumusuporta ang kanyang pamilya para manuyo ng mga botante na kanyang mga kababayan.
Ayon sa inilabas na kwento ng bagong alkalde, naging mahirap ang kanilang pangangampanya dahil minsan nakikikain na lang sila sa mga kaibigan sa barangay na pinupuntahan.
Sa naging tally ng mga boto si Rivera ay nakakuha ng tinatayang 11,508 na boto laban kay Dr. Zaldy na kapatid umano ng incumbent Mayor ng nasabing lugar na mayroon lamang 10,946 votes.
Tanging second year high school lamang ang natapos ni Rivera dahil sa kapos sa pera ang kanyang pamilya.
“‘Di ako nakatapos dahil sa kahirapan dahil ang nanay ko, ang pamilya ko ay magsasaka, nagtatanim ng gulay-gulay. Mahirap na mahirap kami,” sabi ni Rivera.
Sinabi rin ng kanyang asawa na mananatili siyang labandera kahit pa ang kanyang asawa ay mayor na.
Ang tanging programa niya ay ang makatulong sa mga mahihirap na makaahon at tiniyak rin niyang bukas sa lahat ang munisipyo.
Sinabi rin ni Rivera na may plano siyang magpatayo ng public hospital dahil nasa 60 kilometers ang layo ng government hospital sa kanilang lugar.
Source: EsquireMag
0 Comments