Looking For Anything Specific?

Isang Bansa, Pinangangambahan na baka mawala sa Mapa dahil sa patuloy na paglala ng Climate Change sa Mundo


Tila nararamdaman na natin ang mabilis at kakaibang pagbabago ng panahon o klima sa ating mundo ito ay marahil dahil sa tinatawag na climate change dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo ay unti-unti nitong sinisira ang klima sa ating mundo.

Halos lahat ng bansa ay nararanasan na ang climate change , Hindi dahil ito ay isang phenomena ito ay maraming dahilan kung bakit pabago pabago ang klima na ating nararanasan sa mundong ibabaw.

Isa sa mga sanhi at may kagagawan ng climate change ay ang mga tao, mayroon kasing mga tao na walang awa kung mag putol ng mga puno sa kagubatan at isa pa ay ang walang pagpapahalaga sa kalinisan ng kapaligiran.

Ito ang naging dahilan kung bakit tumataas na ang lebel ng tubig sa karagatan at pagtunaw ng mga yelo. Kaya naman ito ang magiging rason kung bakit mayroong bansa na ang mawawala sa mapa sa taong 2100.

Sinasabing ang nangungunang mawawala sa mapa ay ang bansang Republic of Kiribati sa Central Pacific. Ayon sa mga eksperto maaaring ang bansang ito ay mawawala dahil sa lebel ng tubig dulot ng Climate Change.

Sa kasalukuyan ay unti-unti na itong kinakain at maaaring maging bahagi na lang ng karagatan.

Ang masakit pa rito ay ang Presidente sa naturang bansa ay walang pakialam sa nangyayari sa bansa dahil tanging pinagtutuunan nito ng pansin ay ang paggawa ng mga bagong istraktura at iniisip na gawing bagong Dubai at Singapore ang kanilang bansa.

Hindi alam ng presidente nila na dapat ay ito ang pagtuunan niya ng pansin dahil maaari itong maging sanhi ng pagkawala ng kanilang bansa. Sa patuloy na paglala ng pagtunaw ng yelo ng bansang Antartica ay siya rin unti-unting pagkawala ng mga bansa.

Kaya naman buksan ang isipan at alamin ang nangyayari sa kapaligiran hindi lang iyon ugaliin din pangalagaan ang mga ito, hindi man magawa ng lahat ng tao mas mabuti na pangunahan mo ito.

Post a Comment

0 Comments