Ang kalamidad ay hindi natin hawak o hindi natin mapipigilan kahit ayaw man natin itong dumating sa atin. Isa sa pinakamahirap na darating sa buong mundo ang bagyo, tsunami, lind0l o baha.
Taon-taon o buwan-buwan ay nakararanas ang bawat bansa ng kalamidad gaya na lamang yung nangyari sa isang lugar sa Pilipinas kung saan nakaligtas sa isang baha ang isang bata.
Dahil sa pananalasa ng bagyong Agaton sa lugar ng Baybay City, Leyte maraming bahay ang nasira at binaha, bukod pa diyan maraming puno ang natumba at inanod ng baha.
Samantala, sa pagtaas ng tubig ay may isang Refrigerator ang namataan ng mga rescuer na palutang-lutang sa ilog kaya naman agad nila itong nilapitan upang tignan kung ano nga ba ang laman nito.
Laking gulat ng mga rescuer na bumungad sa loob ng ref ang isang bata, agad na humingi ng tulong ang bata na ito at sinabing siya raw ay gutom na gutom na.
Agad nagtanong ang isang rescuer na si SFO2 Romulo Mascarinas sa bata kung nasaan ang iba pa niyang kasama.
Sagot lang daw ng bata “Ako nalang po mag-isa wala na akong kasama”.
Ayon naman kay SFO2 Romula tingin raw nila ay ipinasok ng kanyang mga magulang ang bata sa Refrigerator matapos rumagasa ang landslide kanilang lugar kung kaya’t nagpalutang-lutang nalamang ito sa ilog.
Samantala, sa kasamaang palad ang batang ito pala ay isa sa mga nawalan ng magulang dahil sa landslide na dulot ng bagyong Agaton ayon sa Baybay City Fire Station na tumulong din sa rescue and retrieval operations.
0 Comments