Looking For Anything Specific?

80-anyos na magsasaka mula Leyte nagwagi ng P142 Million Pesos sa Lotto


Ma-swerte ang isang Lolo mula Leyte ng maging instant milyonaryo matapos manalo sa Lotto ng tumataginting na P142 million jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola ng Philippines Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Enero 16, 2022.

Sinasabing nag claim ang swerteng Lolo sa PCSO central office nitong Enero 27 sa Mandaluyong.

Narito ang mga nahulaan ni Lolo na Super Lotto Winning 6/49 numbers 02-05-04-31-01-46. Sinamahan raw ng dalawang anak na lalaki ang matanda nang siya ay dumating sa tanggapan ng charity agency upang kunin ang kanyang mga napanalunan.

Palagi raw tumataya ng Lotto si Lolo sa loob ng 15 taon at gagamitin niya umano ang kanyang perang napanalunan para makabili ng mga ari-arian para sa kanyang mga anak.

Dagdag pa ni Lolo magtatayo rin daw siya ng maliit na negosyo kasama rito ang kanyang pagbubukas ng sariling Lotto outlet para magpatuloy na pagkakakitaan.

Sa ilalim ng TRAIN Law (Republic Act No. 1169), ang mga premyo ng PCSO lotto na nagkakahalaga ng mahigit P10,000 ay sasailalim sa 20% tax.

Ibig sabihin, si lolo ay makakapag uwi pa rin ng tumataginting na ₱114,080,000 pagkatapos maibawas ang nakatalagang buwis. *

Samantala, bukod kay Lolo mayroon din isang solo bettor ang nanalo sa draw lotto nitong Marso 2022 sa 6/58 sa PCSO Lotto draw na may jackpot prize na Php 79,699,584.80.

Ayon naman sa PCSO, ang nanalong ticket ay binili mula sa City of Manila, Metro Manila.

Dagdag pa ng PCSO, sumula nitong Enero 2022 ay mayroon nang 15 nanalo sa PCSO Lotto draw, subalit kamakailan ay binalita ng PCSO na mayroong bettor na nanalo noong Pebrero 2022 ang hindi pa nag claim ng kanyang panalo.

Post a Comment

0 Comments