Looking For Anything Specific?

Batang lumahok sa “Cycling Event” gamit ang kanyang luma at sirang bisekleta, Nakatanggap ng bago at mamahaling bisekleta mula sa netizen


Usap-usapan ngayon sa social media ang kwento ng isang batang lalaki na nagngangalang Pich Pheara dahil sa pambihirang determinasyon nito at pagiging positibo sa buhay kahit kasi lumang-luma na ang kanyang bisikleta at medyo may kaliitan hindi parin siya nawalan ng lakas ng loob na sumali sa isang kompetisyon.

Ang pamilya ni Pich ay mahirap lamang tanging sa barong-barong lang sila nakatira sa Prek Ta kong Village, Prek Tasek districk, Phnom Penh sa lugar ng Cambodia.

Dahil sa naging viral ito sa social media maraming mga netizens ang naantig sa kwento ng batang Pich dahil sa pagiging matatag nito at hindi agad sumuko sa buhay.

Kung ang ibang bata ay nagmumukmok at nawawalan ng gana sa kanilang gustong gawin o laruin kapag nalaman nilang luma at sira-sira ang kanilang gamit iba ang batang si Pich dahil mas nagpupursige pa siya ang patunay nga diyan ay ang pagsali nyia sa isang “cycling event” kahit na luma ang gamit nitong bisekleta at kahit pa hindi siya nagwagi ay ayos lang sa kanya.

Makikita sa isang larawan na gamit-gamit ng bata ang kanyang bisikleta na lumang-luma na sa naturang kompetisyon. Dahil dito maraming mga tao ang nais magpaabot ng tulong sa kanya. Isa na nga diyan ay Mr. Lang Tyleang.

Sa mga lumipas na araw pagkatapos ng kompetisyon nagbahagi si Mr. Lang ng ilang larawan ng bata at makikita sa isang larawan ang pagbibigay nya ng isang maganda at bagong bisikleta.

Ang naturang larawan ay may nakasulat at caption na kanyang natagpuan na daw ang batang lalaki at binigyan niya ito ng bisekleta dahil sa pagsusumikap, determinasyon at pagkakaroon ng magandang pag-uugali.

Marami naman ang mga netizen na humanga at bumilib kay Mr. Lang Tyleang at nagpapasalamat din ang ibang netizen dahil sa pagtulong nito sa bata.

Patunay ang kwento ng batang si Pich na hindi dapat maging hadlang ang kahirapan at hindi dapat tumigil at magpa-apekto dito at kung mayroon kang gustong gawin o makamit sa buhay ay pagpursigihan mo at maging positibo sa buhay.

Nakakatuwa na isipin na sa murang edad ni Pich ay mayroon siyang tibay ng loob at determinasyon sa buhay.

Hindi madali ang mga pagsubok , sakripisyo at paghihirap na maaari niyang kaharapin ngunit ang lahat ng ito ay kanyang kinakaya at nanatiling positibo sa buhay. Sana`y maraming kabataan ang makabasa nito at maging ehemplo si Pich sa lahat ng kabataan na tulad niya ay nahaharap sa ganitong kahirapan.

Post a Comment

0 Comments