Maraming mga superhero character ang sumikat sa buong mundo at isa nga sa tumatak sa mga tao ay ang karakter na si ‘SUPERMAN’, Isa sa mga gumanap sa karakter na ito ay si Henry Cavill na 39 taong gulang at isang British actor.
Sa isang interview kay Henry, ibinahagi niya rito ang isang nakakatuwang karanasan ng kanyang pamangkin na nasabihan raw na sinungaling at ayaw paniwalaan ng guro at mga kamag-aral nang sabihin nito na tito niya si Superman.
Isang araw daw nang pumasok ang pamangkin ni Henry na si Thomas sa paaralan ng nakasuot nang damit na mayroong tatak na Superman ay pinag-usapan raw agad si Thomas at ang pamilya nito.
At nang tanungin naman si Thomas ng kanyang kuro kung bakit siya nakasuot n Superman t-shirt ay ganito ang naging sagot ng pamangkin ng aktor :
“Because my uncle is Superman.” Buong kumpiyansa itong sinabi ng bata sa harapan ng kanyang guro at mga kamag-aral.
Subalit hindi naniwala ang guro nito at sinabihan si Thomas ng kanyang guro na wag daw mamuhay sa delusion o maling akala. Nang dumating ang oras ng uwian ay sinabi muli ng guro ang nangyari sa nanay ni Thomas.
Dapat daw pagsabihan ng ina ang kanyang anak dahil sa pagsisinungaling nito. Agad namang sinabi ng kaniyang ina na totoo ang sinasabi ng bata.
Dahil hindi raw naniniwala ang mga tao sa paaralan ng kanyang anak ay nagdesisyon daw ang Ina ni Thomas na kausapin ang tiyo nito na si Henry tungkol dito.
Agad namang pumunta si Henry sa eskwelahan ni Thomas at nilinaw na totoong tito siya ng bata at kailan man ay hindi ito nagsinungaling o namuhay sa maling akala lamang.
Kaya naman dapat ay maging isang aral ito na hindi tama na husgahan natin ang isang bata o ang isang tao ng basta-basta lamang.
Dapat matuto tayong rumespeto at tumanggap na may mga taong mas hihigit pa sa atin, Katulad na lang ni THomas na ang tito ay isang Superhero Character na si Superman!
0 Comments