Looking For Anything Specific?

OFW, niregaluhan ang kanyang ina ng isang cash bouquet worth P400k na inipon sa loob ng 1 year!


Ang walang hanggang pagmamahal ng mga magulang para sa kanilang mga anak ay isang bagay na hindi maaaring mabili ng kahit anong halaga ng pera o pag-aari.

Ipinakita nila ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng mga sakripisyo na inilaan para sa ikabubuti ng kanilang mga anak.

Kaya, hindi na nakakagulat na ang ganitong uri ng pagmamahal ay sinusuklian din ng mga anak sa sariling mga pamamaraan.

Bilang isang anak, nagpasya siyang magbigay ng magarbong regalo sa kanyang ina na nakapaloob sa isang higanteng bouquet na bulaklak ang laman kung hindi maraming pera.

Sa isang post na ibinahagi ng page sa Facebook ng Gifts4everyJuan noong Setyembre 2020, makikita ang larawan ng dalawang dalaga na may dalang isang malaking boquet ng pera at mga tsokolate.

Ang nasabing page kasamang tumulong ng mapagmahal na anak upang mabigyan ng regalo ang kaniyang ina.

Ayon sa post, ang kanilang hindi nagpapakilalang kliyente na ito ay isang OFW na nag-ipon ng kanyang pera sa loob ng isang buong taon upang makapaghanda para sa malaking regalong ito para sa kanyang mahal na ina. Ang nasabing cash at chocolate boquet ay mayroong 400,000 pesos na cash.

Ang nakakagulat na ginawa ng kliyente na ito ay naging viral. Marami ang hindi mapigilan na hilingin na sana ay makatanggap din sila ng ganoong uri ng bouquet, hindi man mula sa isang pamilya ngunit sana kahit mula sa isang espesyal na tao.

Source: Gifts4everyJuan

Post a Comment

0 Comments