Isa ka ba sa taong napapagod na sa paghihintay sa “The One” ng kanilang buhay at makakasama hanggang sa pagtanda? O kaya naman ay gustong-gusto mo nang magkaroon ng asawa o jowa, dapat ay iyong mabasa ang kwentong ito!
Isang Babae sa bansang India ang nagdesisyon na pakasalan ang kanyang sarili dahil daw pagod na siya sa paghahanap at paghihintay ng tamang tao para sa kanya.
Ayon sa inilabas na balita at video ng GMA News Feed, napagod raw umano ang babaeng Indiana na nakilalang si Kshama Bindu sa paghahanap ng lalaking na maaaring maging boyfriend niya kaya naman pinili niyang pakasalan ang sarili kahit ito ay tutol ang isang pro-Hindu political party sa kanilang bansa.
Ang naturang ginawa ni Kshama ay isang tradisyunal na Vedic rituals o tradisyon sa kasalan ng mga Hindu.
Unang naitakda ang kasal ni Kshama sa kanyang sarili noong Hunyo 11 ngunit umurong ang pari at kinansela pa ng templo ang kanyang reservation kaya hindi ito natuloy.
Itinuloy parin niya ang kasal sa kanyang bahay ngunit wala rin naman itong pinag-iba sa kasal ng Hindu dahil ginawa rin naman niya ang lahat ng ritwal nang naaayon sa tradisyon.
At sa araw ng kanyang kasal ay nagsuot si Kshama ng tradisyonal na red sari na pang kasal, nagsagawa siya ng pitong pheras ang sagradong paglalakad sa paligid ng banal na apoy habang nakatingin ang kanyang mga nakangiting kaibigan.
“My life is not going to change after this marriage, and that is why I’ve always wanted to become a bride and not a wife,” ayon kay Kshama sa video na kanyang binahagi sa Instagram.
Sa ginawang kasalan na ito ni Kshama ay tinutulan siya ng pro-hindu political party sa Bharatiya Janata Party, Labag daw ito sa paniniwala ng Hinduismo ayon sa naturang partylist.
“I’m against the choice of venue, she’ll not be allowed to marry herself in any temple. Such marriages are against Hinduism. This will reduce the population of Hindus. If anything goes against religion then no law will prevail,” ani Sunita Shukla, isang lider ng Bharatiya Janata Party
May lumabas rin na balita na si Kshama ay isang bis3xual, at naniniwala siya na siya ang kauna-unahang “sologamist” ng India.
Ang tinatawag na Solagmy ay isang seremonya ng kasal kung saan ang mga tao ay nagpapakasal sa kanilang sarili.
0 Comments