Marahil lahat tayo ay humahanga at naiinggit sa mga ibon lalo na kapag ito ay nakikita natin na lumilipatd tila minsan ay pumapasok sa ating isipan na sana tayong mga tao ay may kakayahang makalipad sa himpapawid na doon ay malaya tayo kahit ano ang ating gawin.
Samantala kung ang ibang ibon ay malayang lumilipad sa himpapawid at kumuha ng kanyang mga pagkain sa kagubatan o kapaligiran ay kakaiba ang diskarte ng ibon na ito na isang seagull na ngayon ay wanted matapos magnakaw ng halagang $374 sa isang Tesco store sa Paignton, Devon.
Ayon sa ulat, kitang-kita umano sa akto ang naturang ibon na dahan-dahan na pumapasok sa naturang establisyemento. Ilang segundo pa at agad din itong lumabas na mayroon nang dala-dalang pagkain o chips.
Dahil sa pambihirang gawain ng naturang ibon binansagan ito ng mga tao roon na “Steven Seagull”. Hindi lamang daw ito ang minsan nangyari dahil tatlong beses sa isang araw itong kumukuha ng pagkain dito.
Ayon pa sa ilang tauhan ng naturang store, halos 17 kilo na raw ng pagkain o halos nasa $374 na halaga na ng mga produkto ang nakukuha nito sa kanilang tindahan. Maaari daw mas mataas pa ang halagang nakukuha nito.
“I’ve seen him go in a few times. This time he hopped onto my car bonnet so I started recording – I knew he was up to something. He jumped down and started chewing gum off the floor, then he walked into the shop and ran off with a pack of Mini Cheddars.” Pahayag ni Liam Brown na siyang kumuha ng naturang video ni Steven Seagull.
“It’s a common occurrence. We think it’s the same seagull. It happens at least once a day, often three times. He’s very fussy but Doritos are his favourite. We have to shoo him away because we don’t want to lose the stock. We’re always keeping an eye out.” Pahayag pa ng isang tauhan ng Tesco.
Sa ngayon ay wala pang malinaw na ulat kung nahuli na ang pasaway na ibon!
0 Comments