Looking For Anything Specific?

Isang Alagang Aso nalungkot sa pagpªnaw ng kanyang Amo, nag-aabang at naghihintay lamang sa higaan nito


Tila mas higit magmahal ang ating mga alagang hayop kaysa sa tao lalong-lalo na ang mga alaga nating Aso, sobrang sweet malambing at higit sa lahat napaka-tapat sa kanyang amo.

Halimbawa na dyan ang isang kwentong ito na kumurot sa puso ng mga netizen, Nagpaluha sa marami ang isang video na kumalat sa social media ito ay ang tungkol sa isang alagang aso na bakas sa mga mukha ang lungkot habang nakatayo at nag-aabang sa gilid ng papag na hinihigaan ng kanyang yuma0ng amo.

Alam natin na masakit para sa mga tao ang mawala ang kanilang pinakamamahal na mga alaga, subalit ganun rin ang mga alaga nating hayop sila ay nangungulila din pag tuluyan naiwanan ng kanilang mahal na amo.

Ayon sa kwento ni Rabin Canuzo, hindi raw niya napigilan hindi maiyak at masaktan sa kanyang nasaksihan sa alagang aso habang nasa loob ito ng kwarto ng kanyang ama na kamakailan lamang ay sumakabilang buhay.

Sa ibinahagi ni Rabin na video, makikita ang kanilang alagang aso na si ‘Jeremy’ na malungkot at nakabantay sa gilid ng papag ng ama kung saan doon sila noon palaging magkatabing nakahiga.

“Our senior dog ‘Jeremy’ loves to nap near my dad who passed away recently, and then I saw this and it broke my heart. I ugly cried,” ani Rabin.

Ayon pa kay Rabin, pamilya na ang turing nila sa alagang si Jeremy halos pitong taon na nila itong inaalagaan. Itinuturing din nila itong bunsong anak ng kanilang Tatay.

“Dad spoiled Jeremy. ‘Yong tipo na siya pa ang unang nakakatikim ng pandesal sa umaga bago kami. My dad is 86… lagi siyang sinasabayan ni Jeremy matulog,”

“You can always tell that he’s missing Dad as well,”

Maraming netizen ang napaluha lalo na ang mga certified fur-parents dahil sa ipinakitang katapatan at pagmamahal ni Jeremy sa kanyang amo.

Source: Rabin Canuzo

Post a Comment

0 Comments