Looking For Anything Specific?

Isang Pinay kasambahay sinurpresa ng kanyang Amo na Australian Vlogger at binigyan ng Limpak-Lipak na Salapi


Hindi makapaniwala ang isang 50-anyos na Pinay OFW na si Avelina, matapos iyang surpresahin ng kanyang amo at bigyan siya ng limpak-limpak na salapi.

Napag-alaman na ang amo ni Avelina ay si Alexandra Mary Hirschi o mas kilala bilang si Super car Blondie na isang sikat na Australian social media celebrity.

Sa mismong vlog nito, Ibinahagi ni Supercar Blondie ang kaniyang supresa para sa empleyado niya na isang Filipina.

Ayon sa sikat na Australian Vlogger napalapit na raw sa kanilang puso si Avelina dahil daw sa kasipagan nito at dedikasyon sa trabaho.

Sinabi rin nito na si Avelina raw ay napakabuting tao at alam nilang mahal na mahal nito ang kanyang Pamilya.

Kaya naman naisipan ng Australian vlogger na magbigay ng malaking halaga ng pera kay Avelina upang matulungan ito sa pagpapa-aral ng bunso nitong anak na 15-anyos pa lamang.

Ayon naman kay Avelina buong akala raw niya ang naturang documentary ay tungkol sa mga empleyado ni Supercar Blondie kaya naman hindi niya akalain na siya ay mabibiyayaan sa araw na iyon.

Samantala, maging ang ibang empleyado ng naturang Australian Vlogger ay maraming nasabing magaganda tungkol kay Avelina. Kaya naman raw nararapat lamang ang biyayang natanggap ni Avelina.

Nang ibigay na ng ng employer ang surpresa kay Avelina, halos maluha ito sa sobrang kasiyahan.

“This is enough to send your son to college or to help you build a house when you retire,” ani Supercar Blondie nang ibigay niya ang sandamakmak na salapi kay Avelina.

Si Avelina at ang kanyang among vlogger ay nagbiruan pa, ika ni avelina na inaakala niya na siya ay pinauuwi na nito. Nagbiro din naman ang vlogger na kung uuwi daw ito ay babawiin niya ang mga binigay.

Ang kwento na ito ay patunay na si Avelina at ang amo nito na isang Australian Vlogger ay magkagaanan ng loob. Nakaka-proud naman bilang Pilipino dahil hindi tayo ipinahiya ng ating kababayang si Avelina dahil sa kabutihang ipinapakita nito sa ibang lahi sa ibang bansa.

Post a Comment

0 Comments