Marahil wala ng ibang mas sasakit pa sa isang asawa na mawalan ng kabiyak at kasama sa buhay dahil ito ay sumakabilang buhay na, Lalo ng mas masakit tanggapin kung ang iyong kabiyak ay maiiwan na maliit na bata o kanyang mga anak na hindi na muling masisilayan ng mga ito.
Katulad na lang ng sinapit ng isang lalaki na nabiyudo ng maaga ito ay matapos dumating sa kanilang buhay ang hindi inaasahang pangyayari ay binawian ng buhay ang kanyang misis isang araw lamang ang nakakalipas ng ito ay manganak.
Hindi lamang isa, hindi dalawa kundi tatlong mga supling ang isinilang sa mundo ni April, Subalit sa kasamaang palad ang hindi akalain ng asawa nito na si Joel na ito na pala ang una’t huling pagdadalang tao at panganganak na mararanasan ng kanyang kabiyak na si April. Ito ay matapos pumanaw ang kanyang misis kinabukasan lamang pagkatapos nitong ipanganak ang tatlong munting anghel.
Dahil sa pagpanaw ng biglaan ni April, naulila niya ang kanyang mister at ang kanilang mga supling na sina Baby Jia Aamari, Jay Aliyah at Jaswhi Adaliah.
Ngunit dahil sanggol pa ang triplets, batid ni Joel ang kahalagahan at matinding pangangailan ng mga ito sa gatas ng ina o bréast milk dulot ng dala nitong nutrisyon na isang mahalagang papel sa paglaking malusog ng mga bata.
Sa tulong ng social media nabigyan daan si Joel para matugunan ang naturang pangangailangan para sa kanyang mga naulilang anak.
Dahil sa kanyang Facebook post na ibinahagi tungkol sa kanyang naranasan at ng kanyang mga anak, nakarating sa mga kinauukulang ang hiling ni Joel na mabigyan ng tulong para sa kanyang mga anak.
Saad niya sa isang panayam, “Nasa hospital pa lang po talaga kami, bréast milk na po pinapainom namin,”
Naging katuwan ni Joel sa pag-aalaga ng kanyang tatlong mga anghel ay ang biyenan nito at hipag.
Ayon pa kay Joel, “Sa totoo lang po, takot ako na bréast milk ‘yun ipainum sa kanila kasi nga po may C0’V1D pa. Di ko alam kung safe ba para sa mga anak ko. Pero nagtanong naman po ako sa doktor, na hindi naman daw po basta na contaminate ang gatas ng nanay, kaya pinatuloy ko na po.”
Samantala, pahayag pa ni Joel kapag daw naubos umano ang supply ng bréast milk galing sa donors ay pinadede niya pa rin ng formula milk ang kanyang mga anak, Ito ay sa kadahilanang taga-Laguna pa silang mag-anak kaya naman kailangan niya munang i-schedule ang pickup ng mga bréast milk donations.
Nagpapasalamat naman si Joel sa mga donors na tumulong sa kanya dahil hindi lang daw gatas ang ibinibigay ng mga ito kundi material at financial ay nakakatanggap din siya.
“Almost 3 months na po mga anak ko at kita ko naman sa katawan nila na masigla sila at hindi sakîtin. ‘Yun maraming nagsasabi, nagpapayo na iba ang sustansya naibibigay ng gatas ng nanay.” ani Joel.
“Bagay naman po na pinaniniwalaan ko, and kita naman po talaga sa kanila ‘yun sigla at lakas ng katawan.” saad pa nya.
NARITO ANG ILANG BAHAGI NG PAHAYAG NI JOEL :
GONE TOO SOON
“Malaki po ‘yun sakripisyo ng asawa ko. Minahal at inaalagan po mabuti ng asawa ko ang mga anak ko no’n nasa t’yan pa lang sila.
“Kaya bilang tatay na lang nila, kahit mahirap, pipilitin kung kayanin at maging matatag sa kabila ng lahat. Katuwang ko po sa pag-aalaga ang aking biyenan at kapatid ng aking asawa.
“Mahirap po ang bigat sa pakiramdam, especially po no’n unang pagkakataon na babalik na ‘ko sa trabaho. Hindi ko talaga mapigilan lumuha habang nagda-drive paalis.
“‘Yun pakiramdam na gusto mo lang na lagi sila kasama kasi sila ‘yun dahilan kaya nakukuha ko pa ngumiti. ‘Yun mabuhat ko sila at mahalikan, gumagaan pakiramdam ko pero kaylangan umalis at magtrabaho para sa kanila.”
At ngayon nga raw darating na June 19 ay ipinagdiriwang ni Joel ang Father’s Day kasama ang kanyang tatlong mga munting anghel.
0 Comments