Looking For Anything Specific?

Narito ang magandang rason at benepisyo kung bakit mahalaga ang pagkain ng 3 pirasong Itlog araw-araw


Minsan ay mayroon tayong naririnig na masama daw ang madalas na pagkain ng itlog.

Ngunit ito ay wala palang katotohanan gaya ng inaakala ng nakararami , hindi nagpapataas ng LDL o masamang kolesterol ang pagkain ng itlog, bagkus ay nakakatulong pa ito magpababa at bukod diyan ay marami pang benepisyo ang itlog.

Ito ay ayon sa pag-aaral ng eksperto na si Fernandez ML at tinawag itong “Dietary cholesterol provided by eggs and plasma lipoproteins in healthy populations” na ang itlog ay nakakapagpataas ng umiikot na LDL at high-density LPL na nagreresulta sa pagbaba ng kolesterol sa ating dugo.

Isa rin sa naobserbahan wala din daw malaking naidudulot na pagbabago sa antas ng kolesterol sa 70 na porsyento ng populasyon na may mataas na dietary kolesterol sa kanilang dugo o tinatawag na hyporesponders.

Ang pagdami ng malalaking LDL at ang pagiiba ng pattern ng LDL dahil sa pagkain ng itlog ay ilan lamang daw sa mga benepisyo ng itlog.

Maganda rin daw ang itlog dahil ito ay may anti0xidant na mabuti para sa ating mga mata at para makaiwas ng macular degeneration o pagkasira ng sentral na nasa bahagi ng retina ng mata na nagdudulot ng pagkabulag, katarata o paglabo ng lens ng mata na nagdudulot ng paglabo ng paningin partikular na sa mga matatanda.

Isa pa sa mga benepisyo ng itlog, mayroon itong iodine na tumutulong sa paggawa ng thyroid hormones na tumutulong sa pagregular sa temperatura ng ating katawan at maging sa pag-absorba sa ating pagkain at bilis ng pagtib0k ng ating pus0 at ph0sph0rus na nagpapatigas ng ating mga buto at ngipin.

Kaya naman wala tayong dahilan upang matakot sa pagkain ng itlog. Maaari pa nga tayong kumain ng itlog ng dalawa hanggang tatlo kada araw upas mas lalong gumanda ang ating kalusugan at para na rin tayo ay maprotektahan sa mga sakit na maaaring tumama sa atin.

Ngunit may isang paalala naman ang mga eksperto na maging mapanuri sa pagbili ng mga itlog at iwasan ang komersyal na itlog at piliin daw ang organic na mga itlog na gumagamit ng mga natural na pamamaraan para kakaunti lamang ang omega-6 fatty acids at ito ay mas masustansya.

Post a Comment

0 Comments