Looking For Anything Specific?

Ito pala ang rason kung bakit magandang magsabit ng plastic na may tubig sa ating tahanan


May mga napapansin ba kayo sa inyong mga bahay o sa ibang bahay na may nakasabit na plastik na may tubig? Siguro ay nagtataka kayo kung ano ba ang ibig sabihin at para saan ito.

Para sa iba kapag ito ay nakikita akala nila ay normal lang at parang ginawang dekorasyon lamang sa bahay. Pero hindi nila alam na may malaking pakinabang ito sa ating bahay at tiyak ko na kapag nabasa niyo ang kahalagahan nito ay gagawin niyo rin.

Ang paglalagay ng plastik na may tubig sa ating mga bahay ay nakakatulong para mag-alis o itaboy ang mga insekto tulad ng mga langaw.

Talaga naman na nakakailang at nakakairita kapag maraming langaw sa bahay dahil nagdadala din ito ng mikrobyo sa mga pagkain at bagay na madapuan nito.

Kadalasan na gumagawa nito ay gumamit sila ng malaking plastic bag at nilalagay nila ito kung saan malapit sa mga pagkain. Maayos naman ito gamitin dahil bukod sa wala ka nang gagastusin hindi pa ito delikado dahil wala itong halong kemikal.

Ayon naman sa ulat ng Grandmasthing:

“This method works because flies often see the reflection of water moving in the bag and they think that it is a dangerous species that feeds on them and they go away fearing death.

It is recommended to fill only two-thirds of the bag and give it a gentle and light pound to create the effect, others try to enhance the illusion by placing coins in the water bag”.

Para sa mga hindi pa nasusubukan, wala naman mawawala kung susubukan natin ito bagkus kung ito ay epektibo makakatulong pa ito sainyo na mawala ang mga insekto sa inyong bahay.

Post a Comment

0 Comments