Looking For Anything Specific?

Bayaning Aso, hinangaan ng mga netizen matapos humingi ng tulong para sa sanggol na inabandona


Marami sa atin ang mahilig sa aso ang iba nga ay tinuturing nilang pamilya dahil bukod sa nakakawala daw ng stress ang pagyakap ng alagang aso ay naasahan din ang mga ito na maging bantay sa ating tahanan.

Samantala, sa isang balita kahanga-hanga ang isang aso sa lugar ng Southern Cebu bayan ng Magcagong, Sibonga. Matapos humingi ito ng saklolo sa mga tao upang sagipin ang isang sanggol na itinapon sa isang dump site sa naturang lugar na tila bagong silang.

At buti nalang ay may isang motorcycle na saktong dumaan sa lugar at napansin ang kakaibang ikinikilos ng aso.

Ayon naman sa inilabas at ibinahagi sa social media na ulat ng “The Freeman” , Tinatahak umano ng motorcycle rider na si Junrell Fuentes Revilla ang kahabaan ng barangay Magkanong gamit ang kanyang motorsiklo bandang 11 ng umaga nito lang bisperas ng Pasko, Disyembre 24.

Kwento nito Junrell napansin daw niya ang isang asong kalye na sa kanya ay sunod ng sunod at tila balisa at tahol ng tahol na wari niya ay gustong makuha ang kanyang pansin ng asong ito.

Kaya naman agad huminto si Junrell upang sundan ang aso na na patungo sa isang direksyon na madamong lugar kung saan malapit sa dump site. At nang makarating si Junrell at ang aso sa dump site ay laking gulat niya ng bumungad ang isang sanggol na lalaki na nakabalot pa sa isang brown na tuwalya.

Ayon pa kay Junrell tingin niya ay bagong panganak lamang ang sanggol dahil naka-kabit pa daw ang umb!lical c0rd nito st ang bahagi ng placenta na nakalagay sa isang plastic bag.

Dinala agad naman ni Junrell ang nasabing sanggol sa pinakamalapit na ospital upang ito ay matignan agad. Ipinaalam din agad ng staff ng ospital ang insidenteng ito sa pulisya sa pamumuno ni Police Master Sergeant Venus Tampos ng Sibonga Police Women and Children Protection Desk.

Ang ibang pulis naman ay nag gawa agad ng ocular inspection sa nasabing lugar na pinag-iwanan ng sanggol ito ay sa pangunguna ni ACOP PMAJ Jomar Anoba Medel.

Sa mga oras na ito ay nasa ligtas ng kalagayan ang sanggol at ito ay nasa pangangalaga na ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Ngayon ay pinaghahanap narin ng mga otoridad ang ina ng sanggol upang puntahan at kunin ang kanyang anak at ng sa ganon ay maging responsable itong magulang sa kanyang anak.

Hinihikayat din ng mga Kapulisan ng Sibonga ang mga mamamayan dito na makipag tulungan sa kanila at ipaalam sa kanilang tanggapan ang anumang impormasyon tungkol sa ina ng bata o kung mayron silang nalalaman na bagong panganak na ina sa kanilang mga lugar.

Pahayag pa ni PMSgt. Tampos, kamakailan lang daw ay nagsagawa sila ng house to house visit sa kanilang bayan upan magbigay ng kaunting paalala sa mga residente ng Sibonga tungkol sa “Teenage Pregnancy” at kung paano ito maiiwasan.

Samantala, mabalik naman tayo sa Bayaning Aso, naglabas ang Sibonga Police ng larawan ng nasabing Aso kung saan ay isa ito sa limang aso na madalas na umaaligid sa Dumpsite.

Pinuri naman ng mga ka-pulisan ang naturang aso dahil sa pagmamalasakit nito sa sanggol kahit ito at aso marahil daw ay kung hindi ito napansin ng aso ay hindi na ito nadatnan pang buhay at maari daw na ito ay kainin ng ibang asong gala sa nasabing dump site.

Dahil sa pangyayari na ito ibat-iba ang naging komento at reaksyon ng mga netizen ukol sa pangyayari. Ang iba ay nagagalit sa Ina ng sanggol na iresponsable at ang iba naman ay nagpasalamat sa aso.

Narito sa baba ang ilan sa mga naging komento ng Netizen,

“How I wish the dog who saved the baby should be recognized and awarded… especially giving him home and care. When we will value the dog’s heroic deeds. kanus-pa man. Ngano pangitaun ug tawagan pamang inahan gilabay naman gani na…Aron ilabayg usab. Please take time to take care the dog.”

“We never know what the story behind with his mother but God has a reason why He let this child live. l pray for this child to have a loving home and the dog as well.”

“Buti pa ang Aso may Puso! Yung nanay nung sanggol walang puso! Ansakit lang makita si baby na ganun sa makahanap siya ng maayos na magulang na tunay na magmamahal sa kanya”

Post a Comment

0 Comments