Magandang balita para sa mga mamamayan ng bansang Korea, dalawang itinuturing na self-made billionaire sa korea ang nangakong ipapamahagi ang kalahati ng kanilang kita o kayamanan sa kawang-gawa upang makatulong sa mga nangangailangan.
Bihira umano ang gumagawa nito sa nasabing bansa, Ayon sa mismong founder ng pinakamalaking messaging app sa Korea na Kakao Talk na si Kim Beom-SU mag-do-donate ng higit sa tinatayang $9.6 bilyong mga assets upang subukan malutas ang mga problema sa lipunan.
Samantala, matapos i-anunsyo yan ni Kim Beom-Su ay sinundan naman ito ng pahayag ni Kim Bong-Jin na may-ari naman ng food delivery app na Woowa Brothers na magbibigay din siya ng tulong.
Si Kim Bong-jin at ang kanyang asawa na si Bomi Sul, ay naging kauna-unahang South Koreans na pumirma sa Giving Pledge.
Ayon sa ulat, ang nasabing kawang-gawa at pagtulong ng mga pilantropo ay isinaayos nina Bill at Melinda Gates kasama si Warren Buffett para sa mga bilyonaryong magbibigay ng kahit kalahati ng kanilang yaman.
Napag-alaman na is Kim Beom-Su at Kim Bong-jin ay hindi katulad ng ibang bilyonaryo sa korea na pinanganak na mayaman at bilyonaryo na tagapagmana silang dalawa ay ipinanganak umano sa pangkaraniwang pamilya o tinatawag na working-class.
Ibinahagi mismo ni Kim Bong-Jin ng Woowa Brothers ang kanyang “humble beginning” kung saan siya raw ay nanirahan sa maliit na isla.
Ayon pa sa kanya ang mga magulang niya ay nagmamay-ari ng maliit na kainan kung saan siya ay natutulog tuwing gabi.
Noon raw ay pangarap umano niyang mag-aral sa isang art high school, ngunit dahil sa hirap ng buhay, napilitan siyang mag-enrol na lang sa isang mumurahin vocational school.
Saad pa ni Kim, ang kayamanan daw ay mas magiging mahalaga kapag ito ay ginamit para sa mas kapaki-pakinabang upang matulungan ang mas higit na nangangailangan.
Samantala, ayon sa website ng Giving Pledge, mayroong mahigit 200 bilyonaryo na mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang nagbigay ng kanilang donasyon.
0 Comments