Looking For Anything Specific?

Dating carwash boy isang ganap na milyonaryo ngayon, ibinahagi kung paano nakamit ito


Marahil marami na tayong mga naririnig na success stories na mula sa mga mahihirap na nagsisikap para maabot ang kanilang mga pangarap.

Pero kahit ganun pa man, maganda pa rin basahin at gawing inspirasyon ang kanilang mga pinagdaanan upang maabot ang rurok ng tagumpay.

Katulad ng tampok ngayon sa ating kwento ang istorya ng buhay ni Edmar na dating car wash boy at walang permanenteng tahanan at ngayon ay isa nang ganap na milyonaryo, Paano nga kaya niya ito napagtagumpayan?

Tunay na walang imposible kapag ito ay pinagsikapan upang maabot ang natatanging pangarap sa buhay, sinong mag-aakala na ang dating si Edmar na taga hugas ng mga sasakyan ng mayayaman, ngayon ay may sarili na mismong sasakyan at dalawa pang bahay, may apartment, paupahan na condo unit at isang tatlong palapag na building.

Kwento ni Edmar, labis ang hirap na kanyang dinanas noon bilang anak na walang tatay at hiwalay rin sa magulang, siya ay namuhay mag-isa at kinaya ang bawat unos na dumating sa kanyang buhay.

“Lahat siguro ng paghihirap ng isang anak na walang tatay at separated ang mga magulang, pinagdaanan ko.” ayon kay Edmar

Dahil sa hirap ng buhay kung ano-ano ang trabaho na pinasok ni Edmar para lamang maisalba ang kanyang pang araw-araw. Sumubok rin siyang maging tindero ng gulay, parking boy, tagabantay ng computer shop hanggang siya ay naging car wash boy.

Kwento pa nito, lubos na nalungkot siya nang dating makipag-sapalaran siya sa ibang bansa para makahanap ng trabaho ngunit hindi siya pinalad.

“Sinuyod ko lahat ng trabaho sa Macau, pasa ng resume diyan, pasa ng resume doon kasi pursigido talaga akong makahanap ng trabaho kaso wala talaga.” dagdag pa niya.

“Iyak lang ako nang iyak kasi ayoko ma-disappoint sa akin ‘yung nanay ko ‘eh.” dagdag pa nito

Samantala, sa lahat ng pinagdaanan ni edmar ay hindi parin siya nawalan ng pag-asa. Nag-aral siya sa TESDA kung kaya nakaipon ng kaunti mula sa natatanggap nitong allowance na binibigay ng TESDA at ginamit niya ito para magpatayo ng isang maliit na food cart.

Naging patok ang business niyang ito kaya nakapag pagawa pa siya ng anim pang food cat at dito na unti-untong kumita si Edmar ng pera at nabago ang kanyang kapalaran.

“Lahat ng mga pinagdaanan nilang hirap o mga struggles sa buhay, ‘wag nilang dibdibin. Lahat ng mga tao na ang tingin sa akin is ang liit, na walang pag-asa, na hanggang diyan ka na lang, na wala kang mararating, ‘yang mga salitang yan ‘yung naging motivation kung paano ko pinaasa ‘yung sarili ko.” kwento ni Edmar.

Ayon pa kay Edmar siya ay naniniwala sa kasabihan na “Daig ng madiskarte ang Matalino”.

Gayunpaman, kahit anong sarap o ginhawa ng buhay ni Edmar ay hindi pa rin mawala-wala ang pait na nararamdaman niya dahil hindi buo ang kanyang pamilya.

Hiling niya ay dumating ang panahon na magkaroon sila ng pagkakataong magsama-sama ng kanyang buong pamilya.

Post a Comment

0 Comments