Looking For Anything Specific?

Estudyante mula sa Cebu nag Top 1 sa Board Exam kahit hindi natapos ang pagsusulit dahil sa kakapusan ng Oras


Hindi madali ang pagkuha sa board exam marahil parang papasok ka sa butas ng karayom dahil sa iyong pagdadaanan, subalit walang imposible sa sipag at tiyaga kung ikaw ay hindi susuko tiyak na ang lahat ng ito ay malalampasan mo.

Samantala, nito lamang nakaraan na board exam naipasa at nalampasan ang pagsusulit na ito ng binatang si Brylle Gilbuena , 22 taong gulang mula sa Cebu.

Hindi naging madali para sa binata ang kanyang pinagdaanang pagsusulit. Dahil isa nga ito sa pinakamahirap at nakakaba na exam o pagsusulit na kailangang ipasa.

Subalit kanyang pinatunayan ang kanyang naturang galing ng ito ay kanyang maipasa, Nakakuha ito ng pinakamataas na grado 88.10 percent at ito ang nanguna sa 1,083 board passers mula sa halos 2,000 na kumuha ng exam.

Si Brylle ay tubong Cebu na graduate ng University Cebu – Lapu-Lapu and Mandaue (UCLM). Si Brylle ay nag-iisang taga Cebu na napabilang sa top notcher board passers.

Lingid sa kaalaman ng marami matinding hirap at kaba ang pinagdaanan nito, dahil si Brylle man ay nagulat sa naging resulta.

Ayon sa kanya kinapos raw siya ng oras at hindi nito natapos ang kabuuan ng board exam.

Saad nito. “Challenging ang Math and Sciences subject. For five hours, hindi ko nasagot ang 100 questions,” kaya marahil ito’y kinapos sa oras.

Gayunpaman, nakuha ni Brylle ang pinakamataas na score sa kanilang batch na mga kumuha ng board exam sa Mechanical Engineering.

Tunay na nakakamangha ang kwento na ito ni Brylle dahil kung iisipin paano pa kung natapos nito ang buong pagsusulit.

Samantala, bilang pagpupugay sa natatangi nitong talino, pinagkalooban si Brylle ng brand new na kotse sa galing sa Unibersidad na kanyang pinagmulan ito ay walang iba kundi ang University of Cebu Chancell or Candice Gotianuy.

Post a Comment

0 Comments