Looking For Anything Specific?

Dating OFW naging palaboy matapos itakwil ng kamag-anak dahil wala ng maibigay na pera at mawalan ng trabaho


Isa sa maituturing natin mga bayani ay ang ating mga kababayan na Overseas Filipino Workers o OFW, sila ay nagsasakripisyo ng walang kapantay para sa kinabukasan ng kanilang mga pamilya.

Ilan sa kanilang mga kinakaharap na pagsubok ay ang Homesick, nag-iisa at walang nag-aaruga sa tuwing sila ay may sakit kapag sila ay nasa ibang bansa.

Kaya naman para sa mga kamag-anak ng ating mga kababayan na OFW ay dapat iniisip din natin ang kanilang kapakanan para maibsan ang kanilang lungkot.

Samantala, kamakailan ay nag viral sa social media ang nakakalungkot na naging kapalaran ng isang lalaki na dating OFW at ngayon ay isa na lamang palaboy sa kalye pag-uwi ng bansa.

Ayon sa post ng isang netizen na si Aileen Mariquit Sombise, naging OFW si kuya Ramon ng 21 taon sa Saudi Arabia na ngayon ay isa na lamang palaboy na walang maayos na tulugan at makain sa kanyang pang araw-araw na buhay.

Napag-alaman na 61-anyos na si kuya Ramon kung kaya hindi na kaya ng kanyang katawan na magtrabaho at may iniinda na rin itong karamdaman sa paa kung kaya naman umuwi na lamang siya sa pilipinas.

Ayon pa sa kwento ni Aileen , maganda raw umano ang trabaho dati ni Kuya Ramon sa Saudi at malaki ang kinikita nito.

Palagi raw itong nagpapadala ng pera sa kanyang mga kapatid sa pilipinas at pinapag-aral pa nito ang isa nitong pamangkin.

Hindi rin magandang isipin na ngayong wala na siyang trabaho at wala na rin siyang maitulong sa mga ito ay pinabayaan na lamang siya ng kanyang mga mahal sa buhay na maging palaboy sa Luneta.

NARITO ANG KABUUANG POST NI AILEEN :

“OFW ..

“Lessons wag puro bigay ng bigay matuto tyong magtira para sa sarili natin…

“Hindi habang buhay malakas tayo at makakapagtrabaho..

“Dati xang OFW sa bansang SAUDI ARABIA 21yrs OFW may magandang trabaho at kumikita ng malaki kinalimutan ang sarili at di n nakpag asawa inintindi ang mga kapatid at mga pamangkin pinag aral at pinagtapos.

“Dec. 2018 umuwi xa ng pinas galing Saudi dahil sa nanakit na ang buong katawan at dina kayang mag trabaho na dapat sana ay magpapahinga na xa sa edad nia 61 pero di nakamit ni kuya Ramon ang kagustuhang iyon dahil sa may karamdaman na xa at wala ng padala sa mga kapatid at pamangkin hinayaan na xa magpalaboy laboy sa kalye walang maayos na tulog at madalas walang kain sa Luneta na po xa natutulog at nakatira ngayun.

“LIFE LESSONS: WAG TAYO BIGAY NANG BIGAY SA IBA NA SA BANDANG HULI TAYO PA ANG MAWAWALAN.

“Matuto tayong magtira sa sarili upang maihanda ang ating kinabukasan.

Post a Comment

0 Comments