Looking For Anything Specific?

Grade 12 honor student na inabandona, naghahanap ng mag-aampon at magpaaral sa kanya dahil sa kahirapan


Lahat ay gagawin ng isang estudyante sa Roxas, Palawan para lamang makapagtapos siya ng pag-aaral at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Usap-usapan ngayon sa social media ang consistent honor student na si Jerico Camparicio ito ay matapos niyang mag post ng open letter sa kanya mismong Facebook account.

Sa kanyang post, nilalaman nito na nanawagan at naghahanap siya ng taong pwedeng mag-ampon sa kanya kapalit ng kanyang serbisyo bilang kasambahay para lamang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Si Jerico ay incoming senior high school sa darating na pasukan at kanyang ibinandera ang pagiging honor student sa junior high school nitong June 2022.

Panawagan ni Jerico sa kanyang Facebook post nitong July 9 :
“LF (looking for) guys yong gusto lang po mag ampon sakin yong kaya ako pa aralin kase gusto ko makapagtapos sa pag aaral ko.

“A kung sa loob naman po ng bahay, ako na lang ang maglilinis at magluluto, basta may magpapaaral lang talaga sa akin. Alam ko mahirap na walang pinagtapusan, pero sana naman meron mag-ampon sakin,” aniya pa.

Sa kwento ni Jerico dito ay nabanggit niya na iniwan raw sila ng kanilang ama noon pang 2005 habang may iba nang pamilya ang kanyang Ina. Sa ngayon raw ay nakikitira siya sa isang kaibigan nagtitinda raw siya ng tuyo, puto bumbong at iba pang pagkain sa online.

“Iniwan kasi ako ni papa, nag-uwi siya ng Negros at hindi niya ako sinusuportahan, at si mama naman, nag-asawa ng bago, mas priority niya pa ang asawang bago kesa sa akin. Kung saan ako nagsisikap mag-aral, doon niya naman hindi ako sinusuportahan.

“Ako lang po ang nagsisikap sa pag-aaral dahil gusto ko magtapos sa pag-aaral ko. Nakikitira ako sa kaibigan ko, nagpa-part-time po sa trabaho, at saka nagbebenta ako online para may kita din, para hindi ko mapabayaan ang pag-aaral ko,” kwento pa ni Jerico.

Sila raw ay anim na magkakapatid, pero siya na lang ang nagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral.

“Ang gusto ko lang naman po makapagtapos ko ang pag-aaral ko, maabot ko yung pangarap ko.

“Masakit na dina-down kaya nga nagsisikap akong mag-aral para maabot yung pangarap ko, kaso hindi niyo ako sinusuportahan.

“Kaya gusto ko na lang magpa-ampon sa ibang tao. Sana maintindihan niyo,” sabi pa ni Jerico na nag-sorry pa sa kanyang nanay dahil sa pangarap niyang maka-graduate”

Mensahe naman niya sa mga kabataan:
“Ang masasabi ko sa mga katulad ko na mga kabataan, wag po nila sasayangin ang pagpapaaral ng mga magulang nila. Sana magsikap tayo kasi ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”

“Sana naman wag kayong susuko dahil ang mga working students nagtitiis dahil gusto makapagtapos sa pag-aaral, at maabot ang kanilang pangarap. Wag kayong susuko,” aniya pa

May mga netizen naman na nag-suggest kay Jerico ng ilang paraan para siya ay makapag-aral nang libre katulad ng pag-a-apply sa mga scholarship programs ng gobyerno at sa private sector.

Source: Smart Parenting

Post a Comment

0 Comments