Hinahangaan ngayon ng marami ang isang Grab Driver na kinilalang si Juan Carlos Martin na taga Tondo, Manila, dahil sa kanyang ginawang kabayanihan at katapatan.
Ayon sa ulat, hindi nagpabul@g o nasira sa malaking pera si Martin matapos niyang ibalik ang tumataginting na P1.6M na naiwan ng kanyang pasaherong dayuhan sa loob ng kanyang minamanehong sasakyan.
Kwento ni Martin, hindi raw siya nagdalawang isip na ibalik at hanapin ang may-ari nito at nakipag-ugnayan siya agad sa awtoridad upang maibalik ang pera na noong una ay hindi pa niya alam kung magkano ang kabuuang halaga nito.
Nitong Miyerkules, Hulyo 20 pasado alas otso ng gabi nang may magpa-book raw kay Martin na ang pick-up point ay Parañaque City at sa SM Mall of Asia nama nang drop off point.
Hindi pa daw nakakalayo si Martin nang sabihan siya ng pasaherong dayuhan na bumalik sa lugar kung saan siya nito sinundo. Sumunod naman ang driver dahil akala daw niya ay mayroong naiwan na gamit ang babae.
At ng nakabalik raw sa nasabing lugar ay agad siyang sinabihan na umandar na at ibigay ang bag sa kanyang kaibigan na siya talagang pasahero nito dapat.
Sinunod naman ng driver ang sinabi ng dayuhan, nang maka abante ay pumara sa kanya ang dalawang Chinese na lalaki, sa pag-aakalang ito ang tinutukoy na mga kaibigang kukuha sa bag ay tuloy-tuloy lang si Martin papunta sa destinasyon.
Subalit laking pagtataka ni Martin ay hindi kinuha ng dalawang Chinese ang bag na iniwan sa kanya. Kaya naman kalaunan ay napagtanto na ng Grab Driver na nagkamali ng sakay ang babaeng dayuhan sa kanyang sasakyan at ang nagbook talaga sa kanya ay ang dalawang lalaki.
Samantala, hindi rin naman nawala sa isip ni Martin na baka may illeg@l na bagay sa loob ng bag na iniwan sa kanya kaya naman minabuti nitong itawag sa kanyang kumpanya at sa kaibigan pulis.
“Humingi na lang ako ng tulong sa company na pinagtatrabahuhan ko … pagdating po du’n … sa Makati, sarado na ata nu’ng time na ’yun … Papunta na ako sa Marikina, tumawag po ako sa kaibigan kung pulis na humingi po ako ng tulong. Sabi ko ano ba ang gagawin ko may naiwang pera sa akin malaking pera,” ayon kay Martin sa isang panayam
Pinayuhan umano ng kanyang kaibigang pulis na dalhin na lang sa Manila Police District ang bag. At ng makarating sa istasyon ay naroon na rin pala ang babaeng nakaiwan ng bag sa loob ng kanyang sasakyan at napaiyak pa ito sa tuwa nang makita si Martin.
At doon sa istasyon ng pulis nalaman ni Martin kung ano ang laman ng bag at kung magkano ang halaga nito.
0 Comments