Looking For Anything Specific?

Isang Babae nabaon sa utang ng halos P500K dahil sa kagustuhan maging social media influencer


Sa panahon ngayon na kaliwa’t kanan ang gadget at teknolohiya patok na patok sa marami ang social media, dahil bukod sa nalilibang ka na ay maaari kang kumita dito at sumikat kapag ikaw ay naging isang social media influencer.

Subalit hindi lahat ay sinuswerte at nabibigyan ng pagkakataon na maging isang Influencer, Ang ilan ay gumagastos na ng malaking pera dahil sa kanilang content na ginagawa para sa mga manonood.

Katulad nalang ng karanasan ni Lissette Calveiro 26 taong gulang, siya ay nabaon sa utang at umabot ng P500k dahil sa kagustuhang maging isang social media influencer.

Ayon sa kwento ni Lissette, nagsimula raw ito ng siya ay lumipat sa New York para sa internship taong 2013.

Sinabi niya na mahilig raw silang kumain sa labas ng kanyang mga kaibigan at bumili ng mga damit online pagkatapos ay ipopost sa kanilang social media accounts.

“I wanted to tell my story about this young millennial living in New York. I was shopping for clothes to take ‘the perfect ’gram.’ ” sabi ni Lissette

Mayroon si Lissette ng 12,000 followers sa kanyang instagram, Sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng maganda at magarbong pamumuhay sa harap ng camera o social media, kabaligtaran naman ito sa totoong buhay dahil siya ay nagigipit na sa kanyang budget.

“I was living above my means,” saad niya.

Bilang Instagram influencer, kailangan ay mapakita mo sa iyong mga followers kung ano ang bago/uso at mga iba’t ibang lugar na dapat puntahan o pasyalan.

Dagdag pa ni Lissettem lahat ng kanyang sinasahod ay napupunta lamang sa kanyang pagkain sa labas , shopping at travel.

“I was living a lie. Debt was looming over my head.”

Kwento niya, gumagastos siya ng $200 (P11k) kada buwan pora sa kanyang mga damit upang hindi mapansin sa kanyang Instagram na inuulit niya ang kanyang sinusuot.

Ang malala pa dito ay kada buwan bumibili si Lissette ng mga mamahaling designer item katulad na $1,000 (55K) vintage Louis Vuitton bag upang maipagyabang sa kanyang mga followers.

Isa pa sa magastos na kanyang ginagawa ay ang pag-travel sa iba’t-ibang lugar tulad na lang ng Las Vegas, Bahamas at Los Angeles kada buwan sa loob ng isang taon.

“Snapchat had these [geo-]filters [like digital passport stamps] and I wanted to collect at least 12,” sabi ni Lissette.

“If you break it down, a lot of the travel I was doing in 2016 was strictly for Instagram.”

Natauhan si Lissette sa kanyang ginagawa ng matanggap ito sa trabaho sa Manhattan bago matapos ang taong 2016.

“I knew that moving to New York, I had to get my act together or I wasn’t going to survive.”

Binawasan ni Lissette ang paggamit at pagpost sa kanyang Instagram, nag budget siya ng $35 (1.9K) kada linggo para sa kanyang pagkain.

At makalipas ang labing apat na buwan ay nabayaran na ni Lissette ang kanyang mga utang na umabot ng 500K.

“Nobody talks about [his or her] finances on Instagram. It worries me how much I see girls care about image,” saad niya.

Sinabi rin ni Lissette na siya ay nagsisisi sa pagiging sobrang magastos.

“I had a lot of opportunities to save. I could’ve invested that money in something.”

“I find more meaning in what I’m doing. It goes back to me being more authentic. Whenever someone says they like my coat, I say, ‘Oh, can you believe I got this coat at H&M for $50?’ ”dagdag nito.

Post a Comment

0 Comments