Marahil napapansin natin na ibang-iba na talaga ang mga kabataan ngayon kumpara sa mga kabataan noon. Pagdating sa kanilang ugali at sa kanilang mga hilig ay ibang-iba na.
Nakakalungkot man isipin subalit ito na siguro ang reyalidad ngayon maraming kabataan ang nakakalimutan na maglaro sa labas dahil sa labis na paggamit ng teknolohiya o gadget.
Samantala, pinatunayan naman ng isang 11 taong gulang na batang ito na hindi lahat ng mga kabataan ngayon ay pare-pareho.
Siya si Alwytz Robiniol Gaoiran, para sa kanya mas nais niya bilang regalo ang hay0p kaysa sa iba pang materyal na mga bagay tulad ng laruan o mamahaling gadgets.
Nagtapos na kasi siya ng elementarya sa Buyong Elementary School kung kaya naman tinanong na siya ng kaniyang nakatatandang kapatid kung anong gantimpala nga ba ang kaniyang nais para sa kaniyang pagsisipag sa pag-aaral.
Hindi laruan ang kaniyang hiling kundi isang alagang kambing! Dahil dito ay agad naman siyang binilhan ng kaniyang kuya Alvin ng isang kambing.
Ito raw ay pangako ng kanyang kuya na kapag siya ay nagtapos ibibili siya ng kung ano mang naisin niya. Ayon naman sa kuya ni Alwytz na si Kuya Alvin kaya niya raw ito ginawa ay para mas ganahan at magkaroon ng inspirasyon ang kanyang kapatid na may pangarap na maging isang “Mechanical Engineer”.
Bilang proud Kuya, ibinahagi ni Alvin sa social media ang tagumpay h kanyang nakababatang kapatid.
Ibinahagi din ni Alvin na ibibili niya si Alwytz ng cellphone o di kaya naman ay tablet kung gugustuhin nito ngunit alagang kambing talaga ang kaniyang napupusuan.
Agad naman na may maganda pang balita para kay Alvin at sa kanyang kapatid na si Alwytz, natuklasan nila na ang biniling kambing para kay Alwytz ay buntis kung kaya naman pinayuhan din niya itong mas ingatan at alagaan pa dahil balang araw ay magkakaroon sila ng sarili nilang farm.
Ang kanilang ama ay isang magsasaka habang ang kanilang ina naman ay nagtatrabaho bilang isang domestic helper sa Kuwait.
Kwento naman ni Alvin, noon pa raw ay hiling na ito ng kanyang kapatid na si Alwytz sa kanyang mga magulang subalit dahil hindi sapat ang kanilang pera ay hindi nila ito maibili. Kung kaya naman ng nagkapera si Alvin ay siya na lamang ang timupad sa kahilingan ng kanyang Kapatid.
0 Comments