Looking For Anything Specific?

Netizens humanga sa 5K Budget DIY Wedding ng Mag-Asawa na mula sa Antipolo : “Saan Aabot ang 5K PESOS MO”

Maituturing na pinaka-importanteng okasyon o pangyayari sa buhay ng mag-asawa ang araw ng kanilang kasal.

Madalas na ito ay pinagpaplanuhan ng matagal, pinaghahandaan at pinag-iipunan dahil kasabihan nga ng madami minsan ka lang ikakasal sa taong iyong minamahal.

Hindi rin maitatanggi na ang pagpapakasal ay napakamahal at kakailanganin talaga ng malaking pera. Lalo na kung ang nais mo au iyong tradisyunal na kasal sa simbahan, kumpletong entourage at may photo at video pa.

Maraming kasalan na rin ang nagtrending online dahil sa pagiging engrande at magarbo ng mga ito.

Ngunit mayroon rin nag-viral dahil sa kakaibang mga gimik at ‘low budget DIY wedding’ na kahit na simple lamang ay masasabing kahanga-hanga pa rin.

Katulad ng kasal na ito na talagang nagulat at napa-wow ang mga netizens dahil sa 5K Budget lamang ng mag-asawa na taga Antipolo.

Kwento ng mag-asawang sina Geejen Berlin Monreal at Jiony Jan Macabuhay, hindi raw ibigsabihin na wala silang sapat na pera para sa magarbo at engrandeng kasal.

Mas pinili lang daw nila na simple ang kanilang kasal kaya maliit lamang na halaga ang inilaan nila rito dahil may mas malaki silang pinaghahandaan.

Lahad ni Geejen, “Me and my husband agreed to have a simple and intimate wedding. Gaya nga ng sabi nila, kung mahal mo at sure ka, pakasalan mo na, no ifs and no buts. Communication is always the key.”

Dagdag pa niya, “Our main goal is to get married lang talaga and we focused more on our future plans after wedding. Mas pinaglaanan po namin ng effort magplano on what’s next after the wedding, our marriage.”

Tanong ng marami ano nga kaya ang “pinaghahandaan” nina Geejen at Jiony?

“Investments po and savings for our future children,” sagot ni Geejen.

Si Geejen, 29, ay isang pharmacist habang si Jiony, 30, ay isang software engineer. Kaya naman masasabing kung gugustuhin ay ‘afford’ naman nila ang isang engrandeng kasal. Ngunit ika nga, simple at praktikal man, ang importante ay tunay ang pagmamahalan.

Nitong July 31 ibinahagi ni Jiony sa social media ang mga larawan ng kanilang ginanap na civil wedding na may caption na “Saan Aabot ang 5K Pesos mo”, ang naturang post ni Jiony ay agad na nagtrending sa social media marami nga ang dito ay hindi makapaniwala na posible pala ang kasal ma ang gastos ay 5K lamang.

Kwento naman ng mag-asawa, noong October 25, 2021 sila ikinasal ngunit kamakailan lang nila naisipang i-post dahil nag-intay raw sila ng tamang pagkakataon na ito ay ibahagi.

Proud rin na ipinaalam rin ni Geejen ang breakdown ng kanilang wedding expenses, mula civil registry na may tinatayang PHP390, wedding rings na PHP999, food PHP2,500, at ang certificate for no marriage record ay PHP890.

Kung bibilangin ang total na kanilang nagastos itonay aabot lamang ng P4,779.

Kwento ni Geejen, Sa PHP2,500 na budget sa food, labing-isa na ang nakakain: Ang bride at groom, ina at kapatid ng bride, ina at kapatid ng groom, lolo at lola, dalawang ninong at isang ninang.

Sinabi rin niya na ang kanyang wedding dress ay regalo lang ng kanyang ina nanabili nila sa second-hand sa Facebook Market Place.

Ang kanilang reception naman ay ginawa sa isang pares business na pagmamay-ari ng kapatid ni Jiony, ang “Ellen’s Best Pares in Toen” sa Antipolo.

Nang tinanong si Geejen kung ipapayo niya ba sa iba ang praktikal na pagpapakasal, ang sagot niya ay depende iyon sa magkasintahan.

“Para sa akin po, regardless naman po if magpakasal nang practical or extravagant. Nasa couple naman po iyan nagde-depend. Because at the end of the day, it is a once in a lifetime event and ang importante is masaya kayo on that day at nagmamahalan.”, pahayag niya.

Source: PEP.PH

Post a Comment

0 Comments