Looking For Anything Specific?

5 year-old na batang babae, araw-araw hatid sundo ang kanyang Amang bulag sa pagpasok sa trabaho

Nagviral sa social media ang video na nakakalungkot at madamdaming kwento ng buhay ng limang taong gulang na batang babae kasama ang kanyang ama.

Mapapanood sa viral video kung paano inaalalayan sa paglalakad ng batang babae na nakilalang si Jenny ang kanyang Ama na bulag gamit ang stick papasok at pauwi sa trabaho nito.

Si Jenny ang naging gabay at daan ng kanyang Ama kahit saan man ito magpunta lalo na kapag ito ay magtatrabaho.

Kinilala ang ama ni Jenny na si Tatay Nelson “Dodong” Pepé.

Si Tatay Nelson ay nagtatrabaho daw sa niyugan at kinakailangan umano nitong makaakyat ng 60 na puno ng niyog upang kumita ng P300 sa isang araw.

Inaalalayan ni Jenny ang kanyang Ama papunta sa Niyugan na pinagtatrabahuhan kahit na sya ay bata pa lamang.

Makikita rin sa larawan na walang suot na tsinelas ang mag-ama habang tinatahak at binabaybay ang mabato at matarik na daan.

Maraming netizen ang naantig at naawa sa video ng mag-ama at maraming pribadong organisasyon ang nagnanais na matulungan ang mag-ama.

Isa sa mga nagpaabot ng tulong ay ang ABS-CBN Foundation. Pinaluwas nila si tatay Nelson sa Maynila at doon na natuklasan ng mga doktor na mayroon siyang “retinal detachment” at “retinitis”.

Sinabi rin ng ABS-CBN na kanilang tutulungan ang pamilya ni tatay Nelson na magkaroon ng “livelihood training” at makalipat sa mas ligtas na tirahan.

Sa kasalukuyan ay marami nang natanggap na tulong ang pamilya. Labis labis ang pasasalamat nila dahil hindi na sila sobrang nahihirapan.

Dahil din sa pagsisikap ng Ama ni Jenny at sa pagiging mabuting anak nito sa kanyang Ama ay inulan sila ng biyaya at nabigyan sila ng pansin upang matulungan.

Post a Comment

0 Comments