Looking For Anything Specific?

Hinangaan Ang Isang Loℓa Na Patuloy Pa Rin Ang Pagtitinda Ng Mais Umuuℓan Man o Umaaraω

𝘕𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘬𝘢𝘩𝘢𝘯𝘨𝘢-𝘩𝘢𝘯𝘨𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘵𝘢𝘯𝘥𝘢 𝘯𝘢 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘢𝘩𝘢𝘯𝘢𝘱 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘦𝘥𝘢𝘥. 𝘔𝘪𝘯𝘴𝘢𝘯 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘨𝘶𝘴𝘵𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘶𝘮𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘢𝘵𝘳𝘢𝘣𝘢𝘩𝘰 𝘢𝘺 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘪𝘵𝘰 𝘮𝘢𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘨𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘵𝘶𝘴𝘵𝘰𝘴 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸-𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘯𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺.

𝘚𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬 𝘱𝘰𝘴𝘵 𝘢𝘺 𝘪𝘣𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘯𝘦𝘵𝘪𝘻𝘦𝘯 𝘯𝘢 𝘴𝘪 𝘔𝘪𝘳𝘢𝘤𝘢𝘳𝘭 𝘉𝘢𝘳𝘥𝘦 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘢𝘯𝘵𝘪𝘨 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘵𝘶𝘵𝘶𝘭𝘢𝘬 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘪𝘵𝘰𝘯 𝘭𝘶𝘭𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘪𝘯𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘪𝘴 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘯𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘢𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘩𝘰𝘯.

Caption ng netizen sa kanyang post,

“Umuulan, umaaraw nagtitinda pa din si nanay. Sana po bilhan po niyo siya pag makikita niyo. Masayang masaya na po siya. Sana po may tumulong po sa kanya.”

Photo Credits: MiracArl Barde/ Facebook

Kahanga-hanga ang kasipagan ng matanda dahil kahit tila mukhang hirap na siya ay pinagpapatuloy pa rin niya ang kanyang trabaho sa pagtitinda. Di tulad ng iba na malalakas pa ang katawan ngunit mas pinipili na lamang manlimos o umasa sa iba.

Panawagan ni Barde na sana ay kung mayroon mang makakakita o makakasalubong man si nanay habang nagtitinda ay bilhin nila ang kanyang mga panindang mais. Base sa komento ng ilang mga netizens ay taga Sta. Cruz, Laguna raw ang matanda.

Maraming netizens ang naantig at nag-share ng kanyang post. May halong awa at pagkalungkot ang nararamdaman nila sa matanda. Maraming netizens ang nag-tag sa mga naglalakihang programa tulad ng Kapuso Mo, Jessica Soho at Raffy Tulfo in Action upang sa ganoon ay mapansin ang kasipagan ni nanay at siya ay matulungan.

Photo Credits: MiracArl Barde/ Facebook
Photo Credits: MiracArl Barde/ Facebook

Wika ng isang netizen,

“Sa edad mo Nay dapat nasa bahay ka na lang at inaalagaan. Ang sakit sa puso makakita ng ganito.”

Panawagan naman ng isang netizen na kung sino man ang mga anak o kamag-anak ng matanda ay sana ay papagpahingahin na lamang siya sa bahay dahil delikado na rin para sa kanyang edad ang naglalako ng mga paninda sa kalsada lalo na kapag umuulan.

The post Hinangaan Ang Isang Loℓa Na Patuloy Pa Rin Ang Pagtitinda Ng Mais Umuuℓan Man o Umaaraω appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments