Looking For Anything Specific?

Loℓa Nanℓiℓimos Para Makaipon Para Sa Apo Na Nag-oonℓinє Cℓass

𝘕𝘢𝘬𝘢𝘬𝘢𝘥𝘶𝘳𝘰𝘨 𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘰𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘯𝘭𝘪𝘭𝘪𝘮𝘰𝘴 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘭𝘴𝘢𝘥𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘪𝘱𝘰𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘳𝘦𝘲𝘶𝘪𝘳𝘦𝘮𝘦𝘯𝘵𝘴 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘱𝘰 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘨-𝘢𝘢𝘳𝘢𝘭. 𝘜𝘭𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘱𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘮𝘶𝘱𝘬𝘰𝘱 𝘢𝘵 𝘣𝘶𝘮𝘶𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘱𝘢𝘵𝘪 𝘯𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘴𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘩𝘪𝘯𝘢 𝘯𝘢.

𝘐𝘣𝘪𝘯𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘯𝘦𝘵𝘪𝘻𝘦𝘯 𝘯𝘢 𝘴𝘪 𝘑𝘩𝘰𝘯𝘳𝘰𝘦 𝘠𝘶 𝘊𝘢𝘣𝘪𝘭𝘥𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘭𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘭𝘰𝘭𝘢 𝘓𝘢𝘪𝘥𝘢 𝘊𝘢𝘥𝘪𝘦 𝘎𝘳𝘢𝘤𝘪𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘢 𝘊𝘢𝘭𝘰𝘰𝘤𝘢𝘯 𝘊𝘪𝘵𝘺.

Kwento ng netizen na bandang 2:45 na hapon nang pumunta siya sa monumento station sa Caloocan upang magpasa ng mga requirements ng mapansin niya ang isang matanda na mukhang gutom at nanlilimos sa kalsada.

Photo Credits: Jhonroe Yu Cabildo

Konti lamang ang pumapansin sa matanda. Kaya naman hindi natiis ng kanyang puso na lagpasan siya. Sabi ng netizen sa lola,

“Nanay wag ka mag-alala may tutulong po sa inyo na mas may kaya sakin si Idol Raffy.” Sabi ng matanda, “Sino yun, nakakahiya Anak.”

Mas lalong nadurog ang puso ng netizen ng malaman niya ang dahilan kung bakit nanlilimos si Nanay Laida ay para pala sa kanyang apo na nag-oonline class. Iniipon niya raw kasi ang mga limos na kanyang natatanggap para pambili ng mga requirements ng kanyang apo sa pag-aaral dahil ang asawa niya ay hindi na rin siya matulungan dahil mahina na rin ito.

Nanawagan si Cabildo sa mga netizens at sa programa ng Raffy Tulfo in Action para matulungan pa ang matanda.

“Pasensya na sa kaunting tulong Nay, alam kong kulang kaya eto, huwag kang mag-alala nanay, alam ko na may mga taong mabubuti pa na makakatulong sa iyo at makakapansin sa post ko na ito para matulungan ka. Tulungan po natin si nanay.”

Photo Credits: Jhonroe Yu Cabildo

Sa pangalawang post ng netizen ay natunton niya raw ang bahay ng matanda at tuwang tuwa raw ito dahil muli silang nagkita. Napag-alaman na mayroon nang mga netizens na nag-abot ng tulong sa pamilya ni Nanay Laida.

Sana ay patuloy pang bumuhos ang mga tulong para kay Nanay Laida at sa kanyang pamilya para hindi na siya manlimos sa kalsada.

The post Loℓa Nanℓiℓimos Para Makaipon Para Sa Apo Na Nag-oonℓinє Cℓass appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments