Naglabas ng kaniyang sama ng loob ang aktor na si Gerald Anderson.
Ito ay makatapos makatanggap ng samu’t saring panghuhusga mula sa publiko.
Sa panayam ni Gerald sa programa ni Toni Gonzaga na “I Feel U” isiniwalat ng aktor ang mga nilalaman ng kaniyang puso.
Ito aniya ang pinakatago tago niya sa mahabang panahon.
Inilahad niya ang kaniyang saloobin ukol sa maling pagtingin sa kaniya ng karamihan.
“Alam ko naman kung saan ako nagkamali. Ang dating para sa ibang tao na parang wala lang sa akin, or, kumbaga, nakikita lang naman ako pag may interviews. Pag may soap,” saad ni Gerald.
Dagdag pa niya, “Pero di naman nila ako nakikita kung paano ako sa bahay. Kung paano ko ina-absorb ang lahat ng ‘to.Na hindi ko sinasabi na parang ang dali lang sa akin, kung ano man ang pinagdaanan ko. Sa ating lahat, di ba.
“Alam ko kung saan ako nagkamali. Alam ko kung ano ang dapat ko matutunan. Sa akin na po iyon. Yung maraming tao, i think, parang gusto nila i-explain ko isa-isa. Hindi po ganun iyon e.”
Kahit na naapektuhan na daw ang kaniyang pribadong buhay, ay pinili ng aktor na maging propesyonal sa kanyang trabaho.
‘Yung pagiging celebrity ko, natamaan siya ng malaki dahil sa mga nangyari, dahil sa controversial issues. I can only give 100% para sa mga manonood nito dahil this is the only thing I can give right now. Dahil pagdating sa personal life, kahit anong gawin ko, kahit anong sabihin ko, sa mata ng marami, mali. But kaya ko naman lagyan ng line ‘yan. Pagdating sa trabaho, kapag galing sa akin or sa galing sa team na mga kasama ko, ibibigay ko ang best ko,” saad nito.
Sa ngayon ay ineenjoy na lang daw ni Gerald ang mga bagay na mayroon siya.
Read also:
Manager ni Ivana Alawi, υmalma sa chιѕмιs ni Lolit Solis na tinawag di umanσ ng Aktres na ‘Dυgуσt’ sina Gerald Anderson at Derek Ramsay!
The post Gerald Anderson, naglabas ng sama ng ℓσσb sa mga taong walang tigil na panghuhusga sa kanyang pagkatao. appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments