Looking For Anything Specific?

Naguumapaw na Biyaya ng Karagatan: Mga mangingisda sa Mindoro di labis maisip ang nakuha ng kanilang lambat

Mahigit isang taon na magmula nang ipatupad ang iba’t ibang community quarantine sa buong bansa.

Bago pa ang sunud-sunod na bigwas ng mga bagy0 nang nakaraang taon, hinagupit na ng pandemya ang sektor ng pangisda.

Pinatindi ng krisis ng pampublikong kalusugan ang dati nang kris1s sa kabuhayan ng isa sa pinakamahirap na sektor ng lipunan. Pinalala pa ang kanilang kalagayan ng lockdown, na nagpataw ng mga restriksyon at nagkait sa kanila ng kanilang kabuhayan.

Nakapagpatuloy man sa pangingisda, naging pangunahing suliranin ng mga mangingisda ang pagbabagsakan ng mga huli.

Sa kabila nito, ilang beses lamang nakatanggap ang maraming komunidad ng mangingisda ng ayuda mula sa kani-kanilang lokal na pamahalaan.

Isa ring epekto ng pandemya ang kawalan ng trabaho at kabuhayan. Dahil dito, kinakailangan umano ng ilang mamamayang nawalan ng trabaho na mangisda na lang din.

Bilang resulta, dumami ang bilang ng mga nangingisda, rehistrado man o hindi, na naging kahati ng mga lehitimong mangingisda sa huli.

Pero sa pinagdaraanang pagsubok ng bansa, tila nag-uumpaw na biyaya naman ang natanggap ng mga mangingisda sa Naujan Oriental Mindoro.

Sa videong kuha ni Joshua Bargola netong Lunes, Abril 26, 2021, makikitang nag pe pyesta sa tuwa ang mga mangingisda at residente ng San Jose 1 , sa Bayan ng Naujan Oriental Mindoro matapos tumambad sa kanilang hinihilang lambat ang napakaraming huli.

Sa nasabing video ay tulog tulong ang napakaraming mangingisda sa pag-ahon sa lambat.

Naghihiyawan pa sila sa tuwa nang magtalunan ang napakarami at malalaking isda na kanilang nahuli.

Tila hindi sila makapaniwala sa biyayang ito, kaya’t pati sila ay nagtalunan na din sa tuwa at kanya-kanyang nagsijuhaan na din ng mga isdang nalambat nila.

Marami ring netizens ang natuwa sa nasabing video, ang ilan nga ay nagsabi na ito ay biyaya ng Maykapal.

Narito ang video:

Read also:

Mystica to Angel Locsin: “Wala kang utak. Wala ka nun.”

Binatikos ng singer-actress na si Mystica ang actress-philanthropist na si Angel Locsin kaugnay ng nangyaring insidente sa community pantry nito sa Holy Spirit, Quezon City.

Matatandaang nagtayo ng community pantry si Angel bilang selebrasyon sa 36th birthday nito upang makatulong sa mga apektado ng ραndємуα sa lugar.

PHOTO: ABS-CBN

Dinagsa ito ng mga tao at hindi napigilan ang pagkakagulo sa pila.

Isang senior citizen ang inatake sa puso at namatay habang nakapila at umaasang makakakuha ng ayuda.

Humingi na ng paumanhin si Angel at inako ang pagkakamali at responsibilidad sa nangyari.

Sa interview naman sa mga anak ng ρυмαηαω na senior citizen ay nagpasalamat ang mga ito sa naging tulong ni Angel.

Wala ring sinisisi ang mga ito sa nangyari.

Sa isang video, ibinulalas ni Mystica ang kanyang saloobin sa nangyari sa nasabing community pantry.

Ang kapalit ng gulay, buhay. Kung di ba naman kagag*han yun. I am not against the others na gumagawa ng ganun. Pero ito, totally different story. May nagbuwis ng buhay eh. May tao na talagang nag-suffer.

Para sa kanya, pagpapasikat lamang ang ginawa ni Angel.

Ang ginawa mo lang is magpasikat. Tumawag ka pa ng media tapos caught in the act ka pa. Nakita sa Facebook at YouTube na nag-aabot ka sa press people. There you go, di ba publicity? My Goodness! Wag nyo sabihin na mas magaling pa kayo sa gimik. Ako, sumikat ako kasi pinaandar ko ang pera ko noon at isa ako sa pinakakontrobersyal noon. And I know kung paano ang lakad ng showbiz. Pera lang yan, instant sikat ka. Kaya nga ako sumikat agad, di ba?

Ang tinutukoy niya ay ang nakuhanan sa video na pag-aabot umano ng pera ni Angel sa isang tao na nakasuot ng ID ng GMA-7.

Nilinaw na ng GMA Network na hindi empleyado ng GMA News and Current Affairs ang nasabing lalaki.

Ito ay dating make-up artist ni Angel noong artista pa ng GMA-7 ang aktres.

PHOTO: GMA News

I know your hidden agenda. I’m talking because I’m expert here. Ako ang number one dyan.

It will be exposed, ang mga kagag*han, katarantaduhan, at kasinungalingan at pagbabalat-kayo nyo. At tama nga naman dahil wala kang emosyon kung mamamatay mga tao doon dahil sa pagpapasikat mo. Inisip mo ba na baka si lolo, si lola, mamamatay kakapila dyan? Kasagsagan ng tanghali, kasagsagan ng init ng panahon. Kasagsagan pa ng C0VlD.

Binatikos din ni Mystica ang pag-iyak ni Angel sa ilang TV interviews.

Paiyak-iyak ka pa at sorry kunwari. P*ny*ta ka! Sana inisip mo yung tao. Wala kang utak. Wala ka nun. Akala ko pa naman may utak ka.

At ang pinakamatindi sa mga naging pahayag ni Mystica ay ang pagkukumpara niya kay Angel kay Satanas.

Ang Diyos kaya niya i-provide lahat pero si Satanas nagpapanggap na kaya niya gawin lahat, kaya niya tulungan lahat at isa ka na dun! Para kang si Satanas, nagbabalat-kayo!

The post Naguumapaw na Biyaya ng Karagatan: Mga mangingisda sa Mindoro di labis maisip ang nakuha ng kanilang lambat appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments