Looking For Anything Specific?

26-years old na kusinero sa barko, nakapagpatayo ng sariling gasolinahan matapos bunga ng kanyang sipag at tyaga

Hindi maitatangging ang bawat tao ay nag nanais ng isang magandang trabaho na mayroong malaking sweldo. Gayun pa man, hindi din madaling humawak ng pera lalo na kung puro luho ang inuuna.

Isa ang pagiging seaman sa pinapangarap na trabaho ng iba dahil sa magandang pasahod nito.

Ngunit kapalit nito ay ang malalayo ka sa iyong pamilya upang kitain ang pera. Samantala, ano mang hirap at tyaga mo, kung hindi ka matalino sa paghahawak ng pera, mabilis lang din itong mawawala sa iyo.

Walang permanente sa mundo kaya’t sinikap ng 26 taong gulang na si John Ebreo ng Sariaya, Quezon, isang kusinero sa barko na makapagpundar ng kaniyang pagkakakitaan sa Pilipinas kung sakali mang matapos na ang kaniyang kontrata sa barko.

Hindi nabigo si Ebreo sa kaniyang layunin dahil sa loob ng 6 na taon niyang pagsampa sa barko ay nakapagpatayo siya ng sariling gasolinahan na opisyal na nagbukas noong Mayo, 2020.

Kalagitnaan man ng pandemya, mayroon pa ding pinagkakaabalahan at pinagkakakitaan si Ebreo. Sa katunayan, siya din ang nagiging pump boy sa tuwing naka- day off ang kaniyang mga tauhan.

Pahayag niya, “Mahirap po kasi sa isang seaman kung walang investment sa Pinas lalo na pag nasa bakasyon kasi puro palabas ang pera dahil sa dami ng trainings at requirements na kailangan ayusin. Maganda na ‘yung may income kahit nakabakasyon,”

Sa kaniyang edad, iniisip na niya ang pag- iipon para sa kanilang kinabukasan pagkat batid niyang hindi panghabang buhay ang kaniyang pagsampa sa barko.

Nagawa niya ding regaluhan ng brand new car ang kaniyang ama na siyang tumulong sa pagpupundar ng kaniyang gasolinahan sa pamamagitan ng pagbebenta ng kaniyang sasakyan noong Abril 2020.

Sa katunayan, ang kaniyang pangako sa kaniyang ama ay ibibigay niya ang regalong sasakyan sa ika-60th birthday nito sa 2022 ngunit dahil sinuwerte sa trabaho, agad niyang natupad ang pangako.

Tunay ngang hindi din natin gugustuhing malayo ng matagal sa ating pamilya para lamang sa magandang trabaho at sweldo kaya’t hanggat kaya at maaga, nararapat lamang na tayo’y magpundar na.

Cook sa barko, Gasoline Boy sa Pinas 😊
#ParaSaEkonomiya 😁

Posted by John Ebreo on Friday, February 26, 2021

Post a Comment

0 Comments